Awit 7:1-17
Panambitan ni David na inawit niya kay Jehova tungkol sa mga salita ni Cus na Benjaminita.
7 O Jehova na aking Diyos,+ sa iyo ako nanganganlong.+Iligtas mo ako mula sa lahat ng umuusig sa akin at hanguin mo ako,+
2 Upang sa aking kaluluwa ay walang sinumang lumuray na gaya ng leon,+Na umaagaw sa akin kapag walang tagapagligtas.+
3 O Jehova na aking Diyos, kung nagawa ko ito,+Kung may anumang kawalang-katarungan sa aking mga kamay,+
4 Kung ginantihan ko ng masama yaong nagbibigay-gantimpala sa akin,+O kung sinamsaman ko ang sinumang napopoot sa akin nang walang tagumpay,+
5 Tugisin na sana ng kaaway ang aking kaluluwa+At abutan niya at yurakan ang aking buhay hanggang sa mismong lupaAt patahanin ang aking kaluwalhatian sa alabok. Selah.
6 Bumangon ka, O Jehova, sa iyong galit;+Itaas mo ang iyong sarili sa mga silakbo ng poot niyaong mga napopoot sa akin,+At gumising ka alang-alang sa akin,+ yamang nag-utos ka ukol sa kahatulan.+
7 At palibutan ka nawa ng kapulungan ng mga liping pambansa,At laban doon ay bumalik ka nawa sa kaitaasan.
8 Si Jehova ang maglalapat ng hatol sa mga bayan.+Hatulan mo ako, O Jehova, ayon sa aking katuwiran+At ayon sa katapatan+ kong nasa akin.
9 Pakisuyo, magwakas nawa ang kasamaan ng mga balakyot,+At itatag mo nawa ang matuwid;+At ang Diyos bilang matuwid+ ay sumusubok sa puso+ at sa mga bato.+
10 Ang kalasag para sa akin ay nasa Diyos,+ na Tagapagligtas niyaong mga matapat ang puso.+
11 Ang Diyos ay isang matuwid na Hukom,+At ang Diyos ay nagpupukol ng mga pagtuligsa araw-araw.
12 Kung ang sinuman ay hindi manunumbalik,+ ang Kaniyang tabak ay patatalasin niya,+Ang kaniyang busog ay tiyak na huhutukin niya, at ihahanda niya iyon sa pagpana.+
13 At ihahanda niya para sa kaniyang sarili ang mga kasangkapan ng kamatayan;+Ang kaniyang mga palaso ay pagliliyabin niya.+
14 Narito! May nagdadalang-tao ng bagay na nakasasakit,+At siya ay naglilihi ng kabagabagan at manganganak nga ng kabulaanan.+
15 Nagdukal siya ng isang hukay, at hinukay pa niya iyon;+Ngunit mahuhulog siya sa butas na kaniyang ginawa.+
16 Ang kaniyang kabagabagan ay babalik sa kaniyang sariling ulo,+At sa tuktok ng kaniyang ulo ay bababa ang kaniyang sariling karahasan.+
17 Pupurihin ko si Jehova ayon sa kaniyang katuwiran,+At aawit ako sa pangalan+ ni Jehova na Kataas-taasan.+

