Awit 24:1-10
Ni David. Isang awitin.
24 Kay Jehova ang lupa at ang lahat ng naririto,+Ang mabungang lupain at ang mga tumatahan dito.+
2 Sapagkat inilagay niya ito nang matatag sa ibabaw ng mga dagat,+At pinananatili niya itong nakatatag nang matibay sa ibabaw ng mga ilog.+
3 Sino ang makaaakyat sa bundok ni Jehova,+At sino ang makatitindig sa kaniyang dakong banal?+
4 Ang sinumang walang-sala ang mga kamay at malinis ang puso,+Siyang hindi nagdala ng Aking kaluluwa sa lubos na kawalang-kabuluhan,+Ni nanumpa man nang may panlilinlang.+
5 Magdadala siya ng pagpapala mula kay Jehova+At ng katuwiran mula sa kaniyang Diyos ng kaligtasan.+
6 Ito ang salinlahi ng mga humahanap sa kaniya,Ng mga nagsasaliksik ng iyong mukha, O [Diyos ni] Jacob.+ Selah.
7 “Itaas ninyo ang inyong mga ulo, O kayong mga pintuang-daan,+At tumindig kayo, O kayong mga namamalaging pasukan,+Upang makapasok ang maluwalhating Hari!”+
8 “Sino nga ba ang maluwalhating Haring ito?”+“Si Jehova na malakas at makapangyarihan,+Si Jehova na makapangyarihan sa pagbabaka.”+
9 “Itaas ninyo ang inyong mga ulo, O kayong mga pintuang-daan;+Oo, itaas ninyo ang mga iyon, O kayong mga namamalaging pasukan,Upang makapasok ang maluwalhating Hari!”+
10 “Sino nga ba siya, ang maluwalhating Haring ito?”“Si Jehova ng mga hukbo—siya ang maluwalhating Hari.”+ Selah.

