Awit 14:1-7

Sa tagapangasiwa. Ni David. 14  Ang hangal ay nagsabi sa kaniyang puso:“Walang Jehova.”+Gumawi sila nang kapaha-pahamak,+ gumawi sila nang karima-rimarim sa kanilang gawain.Walang sinumang gumagawa ng mabuti.+  2  Kung tungkol kay Jehova, dinudungaw niya mula sa langit ang mga anak ng mga tao,+Upang tingnan kung may sinumang may kaunawaan, sinumang humahanap kay Jehova.+  3  Silang lahat ay lumihis,+ silang lahat ay pawang tiwali;+Walang sinumang gumagawa ng mabuti,+Wala ni isa man.+  4  Wala ba sa mga nagsasagawa ng bagay na nakasasakit ang may kaalaman,+Na lumalamon sa aking bayan gaya ng pagkain nila sa tinapay?+Ni hindi sila tumatawag kay Jehova.+  5  Doon ay napuspos sila ng malaking panghihilakbot,+Sapagkat si Jehova ay nasa salinlahi ng matuwid.+  6  Ang payo ng napipighati ay inilalagay ninyo sa kahihiyan,Sapagkat si Jehova ang kaniyang kanlungan.+  7  O kung sa Sion sana manggaling ang kaligtasan ng Israel!+Kapag tinipong muli ni Jehova ang mga nabihag sa kaniyang bayan,+Magalak nawa ang Jacob, magsaya nawa ang Israel.+

Talababa