Awit 41:1-13

Sa tagapangasiwa. Awitin ni David. 41  Maligaya ang sinumang gumagawi nang may pakundangan sa maralita;+Sa araw ng kapahamakan ay paglalaanan siya ni Jehova ng pagtakas.+  2  Babantayan siya ni Jehova at iingatan siyang buháy.+Ipahahayag siyang maligaya sa lupa;+At hindi mo siya maibibigay sa kaluluwa ng kaniyang mga kaaway.+  3  Aalalayan siya ni Jehova sa kama ng karamdaman;+Ang buong higaan niya ay papalitan mo nga sa panahon ng kaniyang pagkakasakit.+  4  Sa ganang akin, sinabi ko: “O Jehova, pagpakitaan mo ako ng lingap.+Pagalingin mo ang aking kaluluwa, sapagkat nagkasala ako laban sa iyo.”+  5  Kung tungkol sa aking mga kaaway, nagsasabi sila ng masama tungkol sa akin:+“Kailan ba siya mamamatay at ang kaniyang pangalan ay talagang maglalaho?”  6  At kung may dumating upang makita ako, kabulaanan ang sasalitain ng kaniyang puso;+Magtitipon siya sa ganang kaniya ng bagay na nakasasakit;Lalabas siya; sa labas ay sasalitain niya iyon.+  7  May-pagkakaisang nagbubulung-bulungan laban sa akin ang lahat ng napopoot sa akin;+Laban sa akin ay lagi silang nagpapakana ng kasamaan para sa akin:+  8  “Isang walang-kabuluhang bagay ang nabuhos sa kaniya;+Ngayong nakahiga na siya, hindi na siya muling babangon pa.”+  9  Gayundin ang taong may pakikipagpayapaan sa akin, na pinagtiwalaan ko,+Na kumakain ng aking tinapay,+ ay nag-angat ng kaniyang sakong laban sa akin.+ 10  Kung tungkol sa iyo, O Jehova, pagpakitaan mo ako ng lingap at ibangon mo ako,+Upang magantihan ko sila.+ 11  Sa ganito ay nalalaman kong kinalugdan mo ako,Sapagkat ang aking kaaway ay hindi sumisigaw nang may pagbubunyi laban sa akin.+ 12  Kung tungkol sa akin, dahil sa aking katapatan ay itinaguyod mo ako,+At ilalagay mo ako sa harap ng iyong mukha hanggang sa panahong walang takda.+ 13  Pagpalain nawa si Jehova na Diyos ng Israel+Mula sa panahong walang takda at maging hanggang sa panahong walang takda.+ Amen at Amen.+

Talababa