Awit 127:1-5
Awit ng mga Pagsampa. Ni Solomon.
127 Malibang si Jehova ang magtayo ng bahay,+Walang kabuluhan ang pagpapagal ng mga tagapagtayo nito.+Malibang si Jehova ang magbantay sa lunsod,+Walang kabuluhan ang pananatiling gising ng bantay.+
2 Walang kabuluhan sa inyo na maaga kayong bumabangon,+Na umuupo kayo nang gabi na,+Na kumakain kayo ng pagkain kasabay ng mga kirot.+Sa ganito ring paraan ay pinagkakalooban niya ng pagtulog ang kaniyang minamahal.+
3 Narito! Ang mga anak ay mana mula kay Jehova;+Ang bunga ng tiyan ay isang gantimpala.+
4 Tulad ng mga palaso sa kamay ng makapangyarihang lalaki,+Gayon ang mga anak ng kabataan.+
5 Maligaya ang matipunong lalaki na ang kaniyang talanga ay pinunô+ niya ng mga iyon.Hindi sila mapapahiya,+Sapagkat makikipag-usap sila sa mga kaaway sa pintuang-daan.

