Awit 91:1-16
91 Ang sinumang tumatahan sa lihim na dako+ ng Kataas-taasan+Ay makasusumpong ng kaniyang matutuluyan sa pinakalilim ng Makapangyarihan-sa-lahat.+
2 Sasabihin ko kay Jehova: “Ikaw ang aking kanlungan at aking moog,+Ang aking Diyos, na pagtitiwalaan ko.”+
3 Sapagkat siya ang magliligtas sa iyo mula sa bitag ng manghuhuli ng ibon,+Mula sa salot na nagdudulot ng mga kapighatian.+
4 Sa pamamagitan ng kaniyang mga bagwis ay haharangan niya ang lalapit sa iyo,+At sa ilalim ng kaniyang mga pakpak ay manganganlong ka.+Ang kaniyang katapatan+ ay magiging isang malaking kalasag+ at balwarte.
5 Hindi ka matatakot sa anumang bagay na nakapanghihilakbot sa gabi,+Ni sa palaso+ na lumilipad sa araw,
6 Ni sa salot na lumalakad sa karimlan,+Ni sa pagkapuksa na nananamsam sa katanghaliang tapat.+
7 Isang libo ang mabubuwal sa iyo mismong tabiAt sampung libo sa iyong kanan;Sa iyo ay hindi iyon lalapit.+
8 Titingnan mo lamang ng iyong mga mata+At makikita mo ang kagantihan sa mga balakyot.+
9 Sapagkat sinabi mo: “Si Jehova ang aking kanlungan,”+Ginawa mong iyong tahanan ang mismong Kataas-taasan;+
10 Walang kapahamakang mangyayari sa iyo,+At ni isa mang salot ay hindi lalapit sa iyong tolda.+
11 Sapagkat magbibigay siya ng utos sa kaniyang sariling mga anghel may kinalaman sa iyo,+Upang bantayan ka sa lahat ng iyong mga lakad.+
12 Bubuhatin ka nila sa kanilang mga kamay,+Upang hindi mo maihampas ang iyong paa sa anumang bato.+
13 Ang batang leon at ang kobra ay tatapakan mo;+Yuyurakan mo ang may-kilíng na batang leon at ang malaking ahas.+
14 Dahil iniukol niya sa akin ang kaniyang pagmamahal,+Paglalaanan ko rin siya ng pagtakas.+Ipagsasanggalang ko siya sapagkat nalaman niya ang aking pangalan.+
15 Tatawag siya sa akin, at sasagutin ko siya.+Ako ay sasakaniya sa kabagabagan.+Ililigtas ko siya at luluwalhatiin siya.+
16 Bubusugin ko siya ng kahabaan ng mga araw,+At ipakikita ko sa kaniya ang aking pagliligtas.+

