Awit 62:1-12
Sa tagapangasiwa ng Jedutun. Awitin ni David.
62 Tunay na sa Diyos ay naghihintay nang may katahimikan ang aking kaluluwa.+Nagmumula sa kaniya ang aking kaligtasan.+
2 Tunay na siya ang aking bato at aking kaligtasan, ang aking matibay na kaitaasan;+Hindi ako lubhang makikilos.+
3 Hanggang kailan kayo magngangalit laban sa taong papaslangin ninyo?+Kayong lahat ay tulad ng pader na nakahapay, isang batong pader na ibinubuwal.+
4 Tunay na sila ay nagpapayo upang hikayatin ang isa mula sa kaniyang dangal;+Nalulugod sila sa kasinungalingan.+Sa pamamagitan ng kanilang bibig ay nagpapala sila, ngunit sa loob nila ay sumusumpa sila.+ Selah.
5 Sa Diyos nga ay maghintay ka nang tahimik, O kaluluwa ko,+Sapagkat nagmumula sa kaniya ang aking pag-asa.+
6 Tunay na siya ang aking bato at aking kaligtasan, ang aking matibay na kaitaasan;+Hindi ako makikilos.+
7 Nasa Diyos ang aking kaligtasan at aking kaluwalhatian.+Ang aking matibay na bato, ang aking kanlungan ay nasa Diyos.+
8 Magtiwala kayo sa kaniya sa lahat ng panahon, O bayan.+Sa harap niya ay ibuhos ninyo ang inyong puso.+Ang Diyos ay kanlungan para sa atin.+ Selah.
9 Tunay na ang mga anak ng makalupang tao ay isang singaw,+Ang mga anak ng sangkatauhan ay kasinungalingan.+Kapag inilagay sila sa timbangan ay mas magaan silang lahat kaysa sa isang singaw.+
10 Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa pandaraya,+Ni maging walang-kabuluhan man dahil sa tahasang pagnanakaw.+Sakaling ang kabuhayan ay umunlad, huwag ninyong ituon ang inyong puso sa mga iyon.+
11 Minsang nagsalita ang Diyos, makalawang ulit ko ngang narinig ito,+Na ang kalakasan ay nauukol sa Diyos.+
12 Ang maibiging-kabaitan din ay nauukol sa iyo, O Jehova,+Sapagkat ginagantihan mo ang bawat isa ayon sa kaniyang gawa.+

