Awit 146:1-10
146 Purihin ninyo si Jah!+Purihin mo si Jehova, O kaluluwa ko.+
2 Pupurihin ko si Jehova sa buong buhay ko.+Aawit ako sa aking Diyos hangga’t ako ay nabubuhay.+
3 Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga taong mahal,+Ni sa anak man ng makalupang tao, na sa kaniya ay walang pagliligtas.+
4 Ang kaniyang espiritu ay pumapanaw,+ siya ay bumabalik sa kaniyang pagkalupa;+Sa araw ring iyon ay maglalaho ang kaniyang pag-iisip.+
5 Maligaya siya na ang kaniyang pinakasaklolo ay ang Diyos ni Jacob,+Na ang kaniyang pag-asa ay kay Jehova na kaniyang Diyos,+
6 Ang Maylikha ng langit at ng lupa,+Ng dagat, at ng lahat ng naroroon,+Ang Isa na nag-iingat ng katapatan hanggang sa panahong walang takda,+
7 Ang Isa na naglalapat ng kahatulan para sa mga dinadaya,+Ang Isa na nagbibigay ng tinapay sa mga gutóm.+Pinalalaya ni Jehova yaong mga nakagapos.+
8 Idinidilat ni Jehova ang mga mata ng mga bulag;+Ibinabangon ni Jehova ang mga nakayukod;+Iniibig ni Jehova ang mga matuwid.+
9 Binabantayan ni Jehova ang mga naninirahang dayuhan;+Ang batang lalaking walang ama at ang babaing balo ay pinagiginhawa niya,+Ngunit ang lakad+ ng mga balakyot ay binabaluktot niya.+
10 Si Jehova ay maghahari hanggang sa panahong walang takda,+Ang iyong Diyos, O Sion, sa sali’t salinlahi.+Purihin ninyo si Jah!+

