Awit 85:1-13
Para sa tagapangasiwa. Ng mga anak ni Kora. Isang awitin.
85 Ikaw ay nalugod, O Jehova, sa iyong lupain;+Ibinalik mo ang mga kinuhang bihag mula sa Jacob.+
2 Pinagpaumanhinan mo ang kamalian ng iyong bayan;+Tinakpan mo ang lahat ng kanilang kasalanan.+ Selah.
3 Sinupil mo ang buo mong poot;+Tinalikuran mo ang init ng iyong galit.+
4 Tipunin mo kaming muli, O Diyos ng aming kaligtasan,+At itigil mo ang iyong pagkayamot sa amin.+
5 Magagalit ka ba sa amin hanggang sa panahong walang takda?+Ipagpapatuloy mo ba ang iyong galit hanggang sa sali’t salinlahi?+
6 Hindi mo ba kami muling bibigyang-sigla,+Upang ang iyong bayan ay magsaya sa iyo?+
7 Ipakita mo sa amin, O Jehova, ang iyong maibiging-kabaitan,+At ang iyong pagliligtas ay ibigay mo nawa sa amin.+
8 Pakikinggan ko ang sasalitain ng tunay na Diyos na si Jehova,+Sapagkat magsasalita siya ng kapayapaan sa kaniyang bayan+ at sa kaniyang mga matapat,Ngunit huwag nawa silang bumalik sa pagtitiwala sa sarili.+
9 Tiyak na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa mga may takot sa kaniya,+Upang ang kaluwalhatian ay tumahan sa ating lupain.+
10 Kung tungkol sa maibiging-kabaitan at katapatan, sila ay nagsalubong;+Ang katuwiran at ang kapayapaan—sila ay naghalikan.+
11 Ang katapatan ay sisibol mula sa mismong lupa,+At ang katuwiran ay dudungaw mula sa mismong langit.+
12 Gayundin, si Jehova, sa ganang kaniya, ay magbibigay ng mabuti,+At ang ating sariling lupain ay magbibigay ng ani nito.+
13 Sa harap niya ay lalakad ang katuwiran,+At gagawa ito ng daan sa pamamagitan ng kaniyang mga hakbang.+

