Awit 72:1-20
Tungkol kay Solomon.
72 O Diyos, ibigay mo sa hari ang iyong mga hudisyal na pasiya,+At sa anak ng hari ang iyong katuwiran.+
2 Ipagtanggol niya nawa ang usapin ng iyong bayan taglay ang katuwiran+At ng iyong mga napipighati taglay ang hudisyal na pasiya.+
3 Ang mga bundok nawa ay magdala ng kapayapaan sa bayan,+Gayundin ang mga burol, sa pamamagitan ng katuwiran.
4 Hatulan niya nawa ang mga napipighati sa bayan,+Iligtas niya nawa ang mga anak ng dukha,At durugin niya nawa ang mandaraya.
5 Katatakutan ka nila hangga’t may araw,+At sa harap ng buwan sa sali’t salinlahi.+
6 Bababa siyang tulad ng ulan sa ibabaw ng tinabasang damo,+Tulad ng saganang ulan na bumabasa sa lupa.+
7 Sa kaniyang mga araw ay sisibol ang matuwid,+At ang kasaganaan ng kapayapaan hanggang sa mawala na ang buwan.+
8 At magkakaroon siya ng mga sakop sa dagat at dagat+At mula sa Ilog+ hanggang sa mga dulo ng lupa.+
9 Sa harap niya ay yuyukod ang mga tumatahan sa mga pook na walang tubig,+At hihimurin ng kaniya mismong mga kaaway ang alabok.+
10 Ang mga hari ng Tarsis at ng mga pulo+—Magbabayad sila ng tributo.+Ang mga hari ng Sheba at ng Seba—Maghahandog sila ng kaloob.+
11 At magpapatirapa sa kaniya ang lahat ng mga hari;+Ang lahat ng mga bansa, sa ganang kanila, ay maglilingkod sa kaniya.+
12 Sapagkat ililigtas niya ang dukha na humihingi ng tulong,+Gayundin ang napipighati at ang sinumang walang katulong.+
13 Maaawa siya sa maralita at sa dukha,+At ang mga kaluluwa ng mga dukha ay ililigtas niya.+
14 Tutubusin niya ang kanilang kaluluwa mula sa paniniil at mula sa karahasan,At ang kanilang dugo ay magiging mahalaga sa kaniyang paningin.+
15 At mabuhay nawa siya,+ at mabigyan nawa siya ng ginto ng Sheba.+At para sa kaniya ay lagi nawang may manalangin;Pagpalain nawa siya buong araw.+
16 Magkakaroon ng saganang butil sa lupa;+Sa taluktok ng mga bundok ay mag-uumapaw.+Ang kaniyang bunga ay magiging gaya ng sa Lebanon,+At yaong mga mula sa lunsod ay mamumulaklak na tulad ng pananim sa lupa.+
17 Ang kaniyang pangalan nawa ay maging hanggang sa panahong walang takda;+Sa harap ng araw ay lumago nawa ang kaniyang pangalan,At sa pamamagitan niya ay pagpalain nawa nila ang kanilang sarili;+Ipahayag nawa siyang maligaya ng lahat ng mga bansa.+
18 Pagpalain nawa ang Diyos na Jehova, ang Diyos ng Israel,+Na siyang tanging gumagawa ng mga kamangha-manghang gawa.+
19 At pagpalain nawa ang kaniyang maluwalhating pangalan hanggang sa panahong walang takda,+At punuin nawa ng kaniyang kaluwalhatian ang buong lupa.+Amen at Amen.
20 Ang mga panalangin ni David, na anak ni Jesse,+ ay nagwakas na.

