Awit 148:1-14

148  Purihin ninyo si Jah!+Purihin ninyo si Jehova mula sa langit,+Purihin ninyo siya sa kaitaasan.+   Purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga anghel niya.+Purihin ninyo siya, ninyong lahat na hukbo niya.+   Purihin ninyo siya, ninyong araw at buwan.+Purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bituin ng liwanag.+   Purihin ninyo siya, ninyong mga langit ng mga langit,+At ninyong tubig na nasa ibabaw ng langit.+   Purihin nila ang pangalan ni Jehova;+Sapagkat siya ang nag-utos, at sila ay nalalang.+   At pinananatili niya sila magpakailanman, hanggang sa panahong walang takda.+Isang tuntunin ang ibinigay niya, at hindi iyon lilipas.+   Purihin ninyo si Jehova mula sa lupa,+Ninyong mga dambuhalang hayop-dagat at ninyong lahat na matubig na mga kalaliman,+   Kayong apoy at graniso, niyebe at makapal na usok,+Ikaw na maunos na hangin, na gumaganap ng kaniyang salita,+   Kayong mga bundok at kayong lahat na mga burol,+Kayong mga namumungang punungkahoy at kayong lahat na mga sedro,+ 10  Kayong maiilap na hayop at kayong lahat na maaamong hayop,+Kayong mga gumagapang na bagay at mga ibong may pakpak,+ 11  Kayong mga hari sa lupa+ at kayong lahat na mga liping pambansa,Kayong mga prinsipe+ at kayong lahat na mga hukom sa lupa,+ 12  Kayong mga binata+ at kayo ring mga dalaga,+Kayong matatandang lalaki+ pati na ang mga batang lalaki.+ 13  Purihin nila ang pangalan ni Jehova,+Sapagkat ang kaniyang pangalan lamang ang di-maabot sa kataasan.+Ang kaniyang dangal ay nasa itaas ng lupa at langit.+ 14  At itataas niya ang sungay ng kaniyang bayan,+Ang papuri ng lahat ng kaniyang mga matapat,+Ng mga anak ni Israel, na bayang malapit sa kaniya.+Purihin ninyo si Jah!+

Talababa