Awit 28:1-9
Ni David.
28 Sa iyo, O Jehova, ako ay laging tumatawag.+O aking Bato, huwag kang magpakabingi sa akin,+Upang hindi ka manahimik sa akin+At hindi ako maging gaya ng mga bumababa sa hukay.+
2 Dinggin mo ang tinig ng aking mga pamamanhik kapag humihingi ako sa iyo ng tulong,Kapag itinataas ko ang aking mga kamay+ tungo sa kaloob-loobang silid ng iyong dakong banal.+
3 Huwag mo akong hilahing kasama ng mga taong balakyot at ng mga nagsasagawa ng bagay na nakasasakit,+Yaong mga nagsasalita ng kapayapaan sa kanilang mga kasamahan+ ngunit ang nasa mga puso nila ay kasamaan.+
4 Ibigay mo sa kanila ang ayon sa kanilang pagkilos+At ayon sa kasamaan ng kanilang mga gawain.+Ibigay mo sa kanila ang ayon sa gawa ng kanilang mga kamay.+Iganti mo sa kanila ang sarili nilang gawa.+
5 Sapagkat wala silang pagpapahalaga sa mga gawain ni Jehova,+Ni sa gawa man ng kaniyang mga kamay.+Ibabagsak niya sila at hindi niya sila itatayo.
6 Pagpalain nawa si Jehova, sapagkat dininig niya ang tinig ng aking mga pamamanhik.+
7 Si Jehova ang aking lakas+ at aking kalasag.+Sa kaniya nagtitiwala ang aking puso,+At ako ay natulungan, anupat nagbubunyi ang aking puso,+At sa pamamagitan ng aking awit ay pupurihin ko siya.+
8 Si Jehova ay lakas ng kaniyang bayan,+At siya ay moog ng dakilang kaligtasan ng kaniyang pinahiran.+
9 Iligtas mo ang iyong bayan, at pagpalain mo ang iyong mana;+At pastulan mo sila at dalhin mo sila hanggang sa panahong walang takda.+

