Awit 77:1-20
Sa tagapangasiwa ng Jedutun. Ni Asap.+ Isang awitin.
77 Sa pamamagitan ng aking tinig ay daraing ako sa Diyos,+Sa pamamagitan ng aking tinig sa Diyos, at tiyak na pakikinggan niya ako.+
2 Sa araw ng aking kabagabagan ay hinanap ko si Jehova.+Sa gabi ay nakaunat ang aking kamay at hindi namamanhid;Ang aking kaluluwa ay tumangging maaliw.+
3 Aalalahanin ko ang Diyos at ako ay mababagabag;+Ako ay mababahala, anupat manlulupaypay ang aking espiritu.+ Selah.
4 Hinawakan mo ang talukap ng aking mga mata;+Ako ay naligalig, at hindi ako makapagsalita.+
5 Pinag-isipan ko ang mga araw noong sinaunang panahon,+Ang mga taon noong nakalipas na panahong walang takda.
6 Aalalahanin ko ang aking musika sa panugtog na de-kuwerdas sa gabi;+Ako ay mababahala sa aking puso,+At ang aking espiritu ay maingat na magsasaliksik.
7 Magtatakwil kaya si Jehova hanggang sa mga panahong walang takda,+At hindi na ba siya muling malulugod?+
8 Ang kaniya bang maibiging-kabaitan ay nagwakas na magpakailanman?+Ang kaniya bang pananalita ay nawalan na ng kabuluhan+ sa sali’t salinlahi?
9 Nakalimutan na ba ng Diyos ang maging mapagbiyaya,+O sinarhan na ba niya ang kaniyang kaawaan dahil sa galit?+ Selah.
10 At palagi ko bang sasabihin: “Ito ang umuulos sa akin,+Ang pagbabago ng kanang kamay ng Kataas-taasan”?+
11 Aalalahanin ko ang mga gawa ni Jah;+Sapagkat aalalahanin ko ang iyong kamangha-manghang gawain noong sinaunang panahon.+
12 At bubulay-bulayin ko ang lahat ng iyong gawa,+At ang iyong mga gawain ay pagtutuunan ko ng pansin.+
13 O Diyos, ang iyong daan ay nasa dakong banal.+Sino ang dakilang Diyos na tulad ng Diyos?+
14 Ikaw ang tunay na Diyos, na gumagawa nang kamangha-mangha.+Sa gitna ng mga bayan ay ipinakikilala mo ang iyong lakas.+
15 Tinubos mo ng iyong bisig ang iyong bayan,+Ang mga anak ni Jacob at ni Jose. Selah.
16 Nakita ka ng tubig, O Diyos,Nakita ka ng tubig; nagsimula silang dumanas ng matitinding kirot.+Gayundin, ang matubig na mga kalaliman ay nagsimulang maligalig.+
17 Ang mga ulap ay madagundong na nagbuhos ng tubig;+Isang ugong ang ipinarinig ng maulap na kalangitan.Gayundin, ang iyong mga palaso ay nagparoo’t parito.+
18 Ang dagundong ng iyong kulog ay tulad ng mga gulong ng karo;+Niliwanagan ng mga kidlat ang mabungang lupain;+Ang lupa ay naligalig at nagsimulang umuga.+
19 Ang iyong daan ay nasa dagat,+At ang iyong landas ay nasa maraming tubig;At ang mismong mga bakas ng iyong mga paa ay hindi nakilala.
20 Pinatnubayan mo ang iyong bayan na parang isang kawan,+Sa pamamagitan ng kamay ni Moises at ni Aaron.+

