Awit 9:1-20
Sa tagapangasiwa ng Mut-laben. Awitin ni David.
א [Alep]
9 Pupurihin kita, O Jehova, nang aking buong puso;+Ipahahayag ko ang lahat ng iyong mga kamangha-manghang gawa.+
2 Ako ay magsasaya at magbubunyi sa iyo,+Aawit ako sa iyong pangalan, O Kataas-taasan.+
ב [Bet]
3 Kapag bumalik ang aking mga kaaway,+Sila ay matitisod at maglalaho mula sa harap mo.+
4 Sapagkat isinagawa mo ang aking kahatulan at ang aking usapin;+Ikaw ay umupo sa trono na humahatol taglay ang katuwiran.+
ג [Gimel]
5 Sinaway mo ang mga bansa,+ pinuksa mo ang balakyot.+Pinawi mo ang kanilang pangalan hanggang sa panahong walang takda, magpakailan-kailanman.+
6 O ikaw na kaaway, ang iyong mga pagkatiwangwang ay dumating na sa kanilang walang-hanggang katapusan,+At ang mga lunsod na iyong binunot.+Ang mismong pagbanggit sa kanila ay tiyak na maglalaho.+
ה [He]
7 Kung tungkol kay Jehova, siya ay uupo hanggang sa panahong walang takda,+Na itinatatag nang matibay ang kaniyang trono para sa kahatulan.+
8 At hahatulan niya sa katuwiran ang mabungang lupain;+Lilitisin niya sa katapatan ang mga liping pambansa.+
ו [Waw]
9 At si Jehova ay magiging matibay na kaitaasan para sa sinumang nasisiil,+Isang matibay na kaitaasan sa mga panahon ng kabagabagan.+
10 At yaong mga nakaaalam ng iyong pangalan ay magtitiwala sa iyo,+Sapagkat tiyak na hindi mo iiwan yaong mga humahanap sa iyo, O Jehova.+
ז [Zayin]
11 Umawit kayo kay Jehova, na siyang tumatahan sa Sion;+Sabihin ninyo sa mga bayan ang kaniyang mga gawa.+
12 Sapagkat, kapag naghahanap ng pagbububo ng dugo,+ aalalahanin nga niya ang mga iyon;+Tiyak na hindi niya lilimutin ang daing ng mga napipighati.+
ח [Ket]
13 Pagpakitaan mo ako ng lingap, O Jehova; tingnan mo ang aking kapighatian dahil sa mga napopoot sa akin,+O ikaw na nag-aahon sa akin mula sa mga pintuang-daan ng kamatayan,+
14 Upang maipahayag ko ang lahat ng iyong mga gawang kapuri-puri+
Sa mga pintuang-daan+ ng anak na babae ng Sion,+Upang magalak ako sa iyong pagliligtas.+
ט [Tet]
15 Ang mga bansa ay lumubog sa hukay na kanilang ginawa;+Sa lambat+ na kanilang itinago, ang kanilang sariling paa ang nahuli.+
16 Si Jehova ay kilala sa kahatulang kaniyang inilapat.+Sa gawa ng kaniyang mga kamay ay nasilo ang balakyot.+Higayon. Selah.
י [Yod]
17 Ang mga taong balakyot+ ay babalik sa Sheol,+Maging ang lahat ng mga bansang lumilimot sa Diyos.+
18 Sapagkat hindi laging malilimutan ang dukha,+Ni maglalaho ang pag-asa ng maaamo kailanman.+
כ [Kap]
19 Bumangon ka, O Jehova! Huwag mong hayaang manaig ang kalakasan ng taong mortal.+Mahatulan nawa ang mga bansa sa harap ng iyong mukha.+
20 Sidlan mo sila ng takot, O Jehova,+Upang malaman ng mga bansa na sila ay mga taong mortal lamang.+ Selah.

