Awit 19:1-14
Sa tagapangasiwa. Awitin ni David.
19 Ang langit ay naghahayag ng kaluwalhatian ng Diyos;+At ang gawa ng kaniyang mga kamay ay isinasaysay ng kalawakan.+
2 Sa araw-araw ay bumubukal ang pananalita,+At sa gabi-gabi ay natatanghal ang kaalaman.+
3 Walang pananalita, at walang mga kataga;Walang tinig nila ang naririnig.+
4 Sa buong lupa ay lumabas ang kanilang pising panukat,+At ang kanilang mga pananalita ay hanggang sa dulo ng mabungang lupain.+Sa kanila ay naglagay siya ng tolda para sa araw,+
5 At ito ay gaya ng kasintahang lalaki kapag lumalabas mula sa kaniyang silid-pangkasalan;+Nagbubunyi ito gaya ng makapangyarihang lalaki sa pagtakbo sa isang landas.+
6 Ang paglabas nito ay mula sa isang dulo ng langit,At ang tapos ng pag-ikot nito ay sa kabilang mga dulo niyaon;+At walang anumang nakakubli mula sa init nito.+
7 Ang kautusan+ ni Jehova ay sakdal,+ na nagpapanauli ng kaluluwa.+Ang paalaala+ ni Jehova ay mapagkakatiwalaan,+ na nagpaparunong sa walang-karanasan.+
8 Ang mga pag-uutos+ mula kay Jehova ay matuwid,+ na nagpapasaya ng puso;+Ang utos+ ni Jehova ay malinis,+ na nagpapaningning ng mga mata.+
9 Ang pagkatakot+ kay Jehova ay dalisay, na nananatili magpakailanman.Ang mga hudisyal na pasiya+ ni Jehova ay totoo;+ ang mga iyon ay lubos na matuwid.+
10 Ang mga iyon ay higit na nanasain kaysa sa ginto, oo, kaysa sa maraming dalisay na ginto;+At mas matamis kaysa sa pulot-pukyutan+ at sa umaagos na pulot ng mga bahay-pukyutan.+
11 Gayundin, ang iyong lingkod ay nabababalaan sa pamamagitan ng mga iyon;+Sa pag-iingat ng mga iyon ay may malaking gantimpala.+
12 Mga pagkakamali—sino ang makatatalos?+Mula sa mga nakakubling kasalanan ay ariin mo akong walang-sala.+
13 Mula rin sa mga gawang mapangahas ay pigilan mo ang iyong lingkod;+Huwag mong hayaang manaig sa akin ang mga iyon.+Kung magkagayon ay magiging ganap ako,+At mananatili akong walang-sala mula sa maraming pagsalansang.
14 Ang mga pananalita ng aking bibig at ang pagbubulay-bulay ng aking puso+Ay maging kalugud-lugod nawa sa harap mo, O Jehova na aking Bato+ at aking Manunubos.+

