Awit 60:1-12
Sa tagapangasiwa ng Liryo ng Paalaala. Miktam. Ni David. Para sa pagtuturo.+ Nang makipaglaban siya sa Aram-naharaim at sa Aram-Zoba, at bumalik si Joab at sinaktan ang Edom sa Libis ng Asin, ang labindalawang libo nga.+
60 O Diyos, itinakwil mo kami, dinaluhong mo kami,+Nagalit ka. Papanauliin mo kami.+
2 Pinauga mo ang lupa, pinabuka mo ito.+Pagalingin mo ang mga sira nito, sapagkat ito ay nakilos.+
3 Pinangyari mong makakita ng kahirapan ang iyong bayan.+Pinainom mo kami ng alak anupat kami ay sumuray-suray.+
4 Binigyan mo ng hudyat yaong mga may takot sa iyo+Upang tumakas nang paliku-liko dahil sa busog. Selah.
5 Upang ang iyong mga minamahal ay masagip,+O magligtas ka sa pamamagitan ng iyong kanang kamay at sagutin mo kami.+
6 Ang Diyos ay nagsalita sa kaniyang kabanalan:+“Ako ay magbubunyi, ibibigay ko ang Sikem bilang isang bahagi;+At ang mababang kapatagan ng Sucot ay susukatin ko.+
7 Ang Gilead ay sa akin at ang Manases ay sa akin,+At ang Efraim ay tanggulan ng aking pangulo;Ang Juda ay aking baston ng kumandante.+
8 Ang Moab ay aking hugasan.+Sa Edom ay ihahagis ko ang aking sandalyas.+Sa Filistia ay may-pagbubunyi akong sisigaw.”+
9 Sino ang magdadala sa akin sa kinubkob na lunsod?+Sino ba ang talagang papatnubay sa akin hanggang sa Edom?+
10 Hindi ba ikaw, O Diyos, na siyang nagtakwil sa amin+At siyang hindi lumalabas na kasama ng aming mga hukbo bilang Diyos?+
11 Tulungan mo kami mula sa kabagabagan,+Sapagkat ang pagliligtas ng makalupang tao ay walang kabuluhan.+
12 Mula sa Diyos ay magtatamo kami ng kalakasan,+At siya ang yuyurak sa aming mga kalaban.+

