Awit 111:1-10
111 Purihin ninyo si Jah!+א [Alep]Dadakilain ko si Jehova nang aking buong puso+ב [Bet]Sa matalik na kapisanan+ ng mga matuwid at sa kapulungan.+
ג [Gimel]
2 Ang mga gawa ni Jehova ay dakila,+ד [Dalet]Sinasaliksik ng lahat ng nalulugod sa mga iyon.+
ה [He]
3 Ang kaniyang gawa+ ay dangal at karilagan,+ו [Waw]At ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailanman.+
ז [Zayin]
4 Isang pinakaalaala ang ginawa niya para sa kaniyang mga kamangha-manghang gawa.+ח [Ket]Si Jehova ay magandang-loob at maawain.+
ט [Tet]
5 Nagbigay siya ng pagkain sa mga may takot sa kaniya.+י [Yod]Hanggang sa panahong walang takda ay aalalahanin niya ang kaniyang tipan.+
כ [Kap]
6 Ang kapangyarihan ng kaniyang mga gawa ay isinaysay niya sa kaniyang bayan,+ל [Lamed]Nang ibigay sa kanila ang mana ng mga bansa.+
מ [Mem]
7 Ang mga gawa ng kaniyang mga kamay ay katotohanan at kahatulan;+נ [Nun]Mapagkakatiwalaan ang lahat ng mga pag-uutos na ibinibigay niya,+
ס [Samek]
8 Lubos na nasusuhayan magpakailanman, hanggang sa panahong walang takda,+ע [Ayin]Ginawa sa katotohanan at katuwiran.+
פ [Pe]
9 Nagsugo siya ng katubusan sa kaniyang bayan.+צ [Tsade]Hanggang sa panahong walang takda ay iniutos niya ang kaniyang tipan.+ק [Kop]Ang kaniyang pangalan ay banal at kakila-kilabot.+
ר [Res]
10 Ang pagkatakot kay Jehova ang pasimula ng karunungan.+ש [Sin]Ang lahat ng nagsasagawa ng mga iyon ay may mabuting kaunawaan.+ת [Taw]Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailanman.+

