Awit 97:1-12
97 Si Jehova ay naging hari!+ Magalak ang lupa.+Magsaya ang maraming pulo.+
2 Mga ulap at makapal na karimlan ang nasa buong palibot niya;+Ang katuwiran at ang kahatulan ang siyang tatag na dako ng kaniyang trono.+
3 Sa unahan niya ay may apoy na yumayaon,+At nilalamon nito ang kaniyang mga kalaban sa buong palibot.+
4 Niliwanagan ng kaniyang mga kidlat ang mabungang lupain;+Nakita ng lupa at dumanas ng matitinding kirot.+
5 Ang mga bundok ay natunaw na tulad ng pagkit dahil kay Jehova,+Dahil sa Panginoon ng buong lupa.+
6 Ipinahayag ng langit ang kaniyang katuwiran,+At nakita ng lahat ng bayan ang kaniyang kaluwalhatian.+
7 Mapahiya nawa ang lahat ng naglilingkod sa anumang inukit na imahen,+Yaong mga naghahambog tungkol sa kanilang walang-silbing mga diyos.+Yumukod kayo sa kaniya, lahat kayong mga diyos.+
8 Narinig ng Sion at nagsimulang magsaya,+At ang mga sakop na bayan ng Juda ay nagsimulang magalak+Dahil sa iyong mga hudisyal na pasiya, O Jehova.+
9 Sapagkat ikaw, O Jehova, ang Kataas-taasan sa buong lupa;+Ikaw ay lubhang mataas sa iyong pagkakataas sa lahat ng iba pang diyos.+
10 O kayong mga umiibig kay Jehova,+ kapootan ninyo ang kasamaan.+Binabantayan niya ang mga kaluluwa ng kaniyang mga matapat;+Mula sa kamay ng mga balakyot ay inililigtas niya sila.+
11 Ang liwanag ay suminag para sa matuwid,+At ang pagsasaya para nga sa mga matapat ang puso.+
12 Magsaya kayo kay Jehova, O kayong mga matuwid,+At magpasalamat kayo sa kaniyang banal na pang-alaala.+

