Awit 58:1-11
Sa tagapangasiwa. “Huwag kang magpahamak.” Ni David. Miktam.
58 Sa inyong katahimikan ay talaga bang makapagsasalita kayo ng tungkol sa katuwiran?+Makahahatol ba kayo sa katapatan, O kayong mga anak ng mga tao?+
2 Sa halip ay nagsasagawa pa nga kayo sa inyong puso ng tahasang kalikuan sa lupa,+At naghahanda ng daan para sa mismong karahasan ng inyong mga kamay!+
3 Ang mga balakyot ay mga tiwali mula pa sa bahay-bata;+Sila ay naliligaw mula pa sa tiyan;Nagsasalita sila ng mga kasinungalingan.+
4 Ang kamandag nila ay tulad ng kamandag ng serpiyente,+Binging tulad ng kobra na nagtatakip ng tainga nito,+
5 Na ayaw makinig sa tinig ng mga engkantador,+Bagaman may isang marunong na nanggagayuma sa pamamagitan ng mga engkanto.+
6 O Diyos, lansagin mo ang kanilang mga ngipin sa kanilang bibig.+Basagin mo ang mismong mga panga ng mga may-kilíng na batang leon, O Jehova.
7 Malusaw nawa sila na parang nasa tubig na umaagos;+Hutukin niya nawa ang busog para sa kaniyang mga palaso habang sila ay nalulugmok.+
8 Tulad ng susô na natutunaw ay lumalakad siya;Tulad ng sanggol na naagas sa babae ay hindi nga nila makikita ang araw.+
9 Bago maramdaman ng inyong mga palayok ang pinagningas na kambron,+Ang luntiang sariwa at gayundin yaong nag-aapoy, tatangayin niya ang mga iyon na gaya ng mabagyong hangin.+
10 Ang matuwid ay magsasaya sapagkat nakita niya ang paghihiganti.+Ang kaniyang mga yapak ay huhugasan niya sa dugo ng balakyot.+
11 At sasabihin ng mga tao:+ “Talagang may bunga para sa matuwid.+Talagang may Diyos na humahatol sa lupa.”+

