Awit 120:1-7
Awit ng mga Pagsampa.
120 Tumawag ako kay Jehova sa aking kabagabagan,+At sinagot niya ako.+
2 O Jehova, iligtas mo ang aking kaluluwa mula sa mga labing bulaan,+Mula sa mapandayang dila.+
3 Ano ba ang ibibigay sa iyo, at ano ba ang idaragdag sa iyo,O ikaw na mapandayang dila?+
4 Pinatulis na mga palaso ng makapangyarihang lalaki,+Na may nagniningas na mga baga ng mga punong retama.+
5 Sa aba ko, sapagkat nanirahan ako bilang dayuhan sa Mesec!+Nagtabernakulo akong kasama ng mga tolda ng Kedar.+
6 Napakatagal nang nagtatabernakulo ng aking kaluluwa+Kasama ng mga napopoot sa kapayapaan.+
7 Naninindigan ako para sa kapayapaan;+ ngunit kapag nagsasalita ako,Sila ay para sa digmaan.+

