Awit 105:1-45
105 Magpasalamat kayo kay Jehova, tumawag kayo sa kaniyang pangalan,+Ipaalam ninyo sa mga bayan ang kaniyang mga ginagawa.+
2 Umawit kayo sa kaniya, umawit kayo sa kaniya ng papuri,+Pagtuunan ninyo ng pansin ang lahat ng kaniyang mga kamangha-manghang gawa.+
3 Ipaghambog ninyo ang kaniyang banal na pangalan.+Magsaya nawa ang puso ng mga humahanap kay Jehova.+
4 Saliksikin ninyo si Jehova at ang kaniyang lakas.+Lagi ninyong hanapin ang kaniyang mukha.+
5 Alalahanin ninyo ang kaniyang mga kamangha-manghang gawa na kaniyang isinagawa,+Ang kaniyang mga himala at ang mga hudisyal na pasiya ng kaniyang bibig,+
6 O kayong binhi ni Abraham na kaniyang lingkod,+Kayong mga anak ni Jacob, na kaniyang mga pinili.+
7 Siya ay si Jehova na ating Diyos.+Ang kaniyang mga hudisyal na pasiya ay nasa buong lupa.+
8 Naalaala niya ang kaniyang tipan maging hanggang sa panahong walang takda,+Ang salita na kaniyang iniutos, hanggang sa isang libong salinlahi,+
9 Na tipang pinagtibay niya kay Abraham,+At ang kaniyang sinumpaang kapahayagan kay Isaac,+
10 At siyang kapahayagan na pinanatili niyang nakatayo bilang isang tuntunin kay Jacob,Bilang isang tipan na namamalagi nang walang takda kay Israel,+
11 Na sinasabi: “Sa iyo ko ibibigay ang lupain ng Canaan+Bilang takdang bahagi ng inyong mana.”+
12 Ito ay noong kakaunti pa ang kanilang bilang,+Oo, kaunting-kaunti pa, at mga naninirahang dayuhan doon.+
13 At gumagala-gala sila sa bansa at bansa,+Mula sa isang kaharian hanggang sa ibang bayan.+
14 Hindi niya pinahintulutang dayain sila ng sinumang tao,+Kundi dahil sa kanila ay sumaway siya ng mga hari,+
15 Na sinasabi: “Huwag ninyong galawin ang aking mga pinahiran,+At ang aking mga propeta ay huwag ninyong gawan ng masama.”+
16 At nagpasapit siya ng taggutom sa lupain;+Binali niya ang bawat tungkod na kinabibitinan ng hugis-singsing na mga tinapay.+
17 Nagsugo siya sa unahan nila ng isang lalakiNa ipinagbili upang maging alipin, si Jose.+
18 Sinaktan nila ng mga pangaw ang kaniyang mga paa,+Sa mga bakal ay nalagay ang kaniyang kaluluwa;+
19 Hanggang sa panahong dumating ang kaniyang salita,+Ang pananalita ni Jehova ang dumalisay sa kaniya.+
20 Ang hari ay nagsugo upang mapalaya niya siya,+Ang tagapamahala ng mga bayan, upang mapawalan niya siya.
21 Ginawa niya siyang panginoon sa kaniyang sambahayan+At bilang tagapamahala sa lahat ng kaniyang ari-arian,+
22 Upang gapusin ang kaniyang mga prinsipe nang malugod sa kaniyang kaluluwa+At upang makapagturo siya ng karunungan maging sa kaniyang matatandang lalaki.+
23 At si Israel ay pumasok sa Ehipto,+At si Jacob ay nanirahan bilang dayuhan sa lupain ni Ham.+
24 At ginawa niyang lubhang palaanakin ang kaniyang bayan,+At unti-unti niya silang ginawang mas malakas kaysa sa kanilang mga kalaban.+
25 Hinayaan niyang magbago ang kanilang puso upang mapoot sa kaniyang bayan,+Upang gumawi nang may katusuhan laban sa kaniyang mga lingkod.+
26 Isinugo niya si Moises na kaniyang lingkod,+Si Aaron na kaniyang pinili.+
27 Kanilang inilagay sa gitna nila ang mga bagay na may kaugnayan sa kaniyang mga tanda,+At ang mga himala sa lupain ni Ham.+
28 Nagsugo siya ng kadiliman at sa gayon ay pinagdilim niya;+At hindi sila naghimagsik laban sa kaniyang mga salita.+
29 Ginawa niyang dugo ang kanilang tubig,+At pinatay ang kanilang mga isda.+
30 Ang kanilang lupain ay pinagkulupunan ng mga palaka,+Sa mga loobang silid ng kanilang mga hari.
31 Sinabi niya na pumasok ang mga langaw na nangangagat,+Mga niknik sa lahat ng kanilang mga teritoryo.+
32 Ginawa niyang graniso ang kanilang ulan,+Nagliliyab na apoy sa kanilang lupain.+
33 At sinaktan niya ang kanilang mga punong ubas at ang kanilang mga puno ng igosAt binali ang mga punungkahoy sa kanilang teritoryo.+
34 Sinabi niya na pumasok ang mga balang,+At ang isang uri ng balang, na hindi mabilang.+
35 At kinain ng mga iyon ang lahat ng pananim sa kanilang lupain;+Kinain din ng mga iyon ang bunga ng kanilang lupa.
36 At pinatay niya ang lahat ng panganay sa kanilang lupain,+Ang pasimula ng lahat ng kanilang kakayahang magkaanak.+
37 At pinasimulan niyang ilabas sila na may pilak at ginto;+At sa kaniyang mga tribo ay walang sinumang natitisod.
38 Ang Ehipto ay nagsaya nang lumabas sila,Sapagkat sinapitan sila ng panghihilakbot sa kanila.+
39 Naglatag siya ng ulap bilang pantabing,+At ng apoy upang magbigay ng liwanag sa gabi.+
40 Humingi sila, at nagdala siya ng mga pugo,+At patuloy niya silang binubusog ng tinapay mula sa langit.+
41 Nagpabuka siya ng bato, at bumukal ang tubig;+Umagos ito sa mga pook na walang tubig na parang ilog.+
42 Sapagkat naalaala niya ang kaniyang banal na salita kay Abraham na kaniyang lingkod.+
43 Kaya inilabas niya ang kaniyang bayan na may pagbubunyi,+Ang kaniyang mga pinili na may hiyaw ng kagalakan.+
44 At nang maglaon ay ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng mga bansa,+At inari nila ang bunga ng pagpapagal ng mga liping pambansa,+
45 Upang maingatan nila ang kaniyang mga tuntunin+At matupad ang kaniyang mga kautusan.+Purihin ninyo si Jah!+

