Awit 15:1-5
Awitin ni David.
15 O Jehova, sino ang magiging panauhin sa iyong tolda?+Sino ang tatahan sa iyong banal na bundok?+
2 Siyang lumalakad nang walang pagkukulang+ at nagsasagawa ng katuwiran+At nagsasalita ng katotohanan sa kaniyang puso.+
3 Hindi siya naninirang-puri sa pamamagitan ng kaniyang dila.+Sa kaniyang kasamahan ay wala siyang ginagawang masama,+At hindi siya nagsasalita ng pandurusta laban sa kaniyang matalik na kakilala.+
4 Sa kaniyang mga mata ay talagang itinatakwil ang sinumang kasuklam-suklam,+Ngunit yaong mga may takot kay Jehova ay pinararangalan niya.+Sumumpa siya sa kaniyang ikasasama, at gayunma’y hindi siya nagbabago.+
5 Ang kaniyang salapi ay hindi niya ibinibigay na may patubo,+At hindi siya tumatanggap ng suhol laban sa walang-sala.+Siyang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi kailanman makikilos.+

