Awit 1:1-6

1  Maligaya+ ang taong hindi lumalakad sa payo ng mga balakyot,+At sa daan ng mga makasalanan ay hindi tumatayo,+At sa upuan ng mga manunuya ay hindi umuupo.+  2  Kundi ang kaniyang kaluguran ay sa kautusan ni Jehova,+At sa kaniyang kautusan ay nagbabasa siya nang pabulong araw at gabi.+  3  At siya ay tiyak na magiging tulad ng isang punungkahoy na nakatanim sa tabi ng mga daloy ng tubig,+Na nagbibigay ng sariling bunga nito sa kaniyang kapanahunan+At ang mga dahon nito ay hindi nalalanta,+At ang lahat ng kaniyang gawin ay magtatagumpay.+  4  Ang mga balakyot ay hindi gayon,Kundi gaya ng ipa na itinataboy ng hangin.+  5  Kaya naman ang mga balakyot ay hindi tatayo sa paghatol,+Ni ang mga makasalanan man sa kapulungan ng mga matuwid.+  6  Sapagkat inaalam ni Jehova ang lakad ng mga matuwid,+Ngunit ang lakad ng mga balakyot ay papanaw.+

Talababa