Awit 67:1-7

Sa tagapangasiwa ng mga panugtog na de-kuwerdas. Isang awitin, isang awit. 67  Pagpapakitaan tayo ng lingap ng Diyos at pagpapalain niya tayo;+Pasisinagin niya sa atin ang kaniyang mukha+—Selah—  2  Upang ang iyong daan ay malaman sa lupa,+Ang iyong pagliligtas maging sa gitna ng lahat ng bansa.+  3  Purihin ka nawa ng mga bayan, O Diyos;+Purihin ka nawa ng mga bayan, nilang lahat.+  4  Magsaya nawa ang mga liping pambansa at humiyaw nang may kagalakan,+Sapagkat hahatulan mo ang mga bayan sa katuwiran;+At kung tungkol sa mga liping pambansa, papatnubayan mo sila sa lupa. Selah.  5  Purihin ka nawa ng mga bayan, O Diyos;+Purihin ka nawa ng mga bayan, nilang lahat.+  6  Ang lupa ay tiyak na magbibigay ng bunga nito;+Ang Diyos, ang ating Diyos, ay magpapala sa atin.+  7  Pagpapalain tayo ng Diyos,+At ang lahat ng mga dulo ng lupa ay matatakot sa kaniya.+

Talababa