Awit 79:1-13
Awitin ni Asap.
79 O Diyos, ang mga bansa ay pumasok sa iyong mana;+Dinungisan nila ang iyong banal na templo;+Ginawa nilang bunton ng mga guho ang Jerusalem.+
2 Ibinigay nila ang bangkay ng iyong mga lingkod bilang pagkain sa mga ibon sa langit,+Ang laman ng iyong mga matapat sa mababangis na hayop sa lupa.+
3 Ibinuhos nila ang kanilang dugo na parang tubigSa buong palibot ng Jerusalem, at walang sinumang maglibing.+
4 Kami ay naging kadustaan sa aming mga kalapit na bayan,+Isang kaalipustaan at kakutyaan sa mga nasa palibot namin.+
5 O Jehova, hanggang kailan ka magagalit? Magpakailanman ba?+Hanggang kailan magniningas na parang apoy ang iyong pag-aalab?+
6 Ibuhos mo ang iyong pagngangalit sa mga bansang hindi nakakakilala sa iyo,+At sa mga kahariang hindi tumatawag sa iyong sariling pangalan.+
7 Sapagkat nilamon nila ang Jacob,+At pinangyari nilang matiwangwang ang kaniyang sariling tinatahanang dako.+
8 Huwag mong alalahanin laban sa amin ang mga kamalian ng mga ninuno.+Magmadali ka! Salubungin nawa kami ng iyong kaawaan,+Sapagkat lubha kaming naghihikahos.+
9 Tulungan mo kami, O Diyos ng aming kaligtasan,+Alang-alang sa kaluwalhatian ng iyong pangalan;+At iligtas mo kami at takpan mo ang aming mga kasalanan dahil sa iyong pangalan.+
10 Bakit sasabihin ng mga bansa: “Nasaan ang kanilang Diyos?”+Sa gitna ng mga bansa ay malaman nawa sa aming paningin+Ang paghihiganti para sa nabubong dugo ng iyong mga lingkod.+
11 Dumating nawa sa harap mo ang pagbubuntunghininga ng bilanggo.+Ayon sa kadakilaan ng iyong bisig ay ingatan mo yaong mga itinalaga sa kamatayan.+
12 At iganti mo sa aming mga kalapit na bayan nang pitong ulit sa kanilang dibdib+Ang kanilang pandurusta na ipinandusta nila sa iyo, O Jehova.+
13 Kung tungkol sa amin na iyong bayan at kawan ng iyong pastulan,+Magpapasalamat kami sa iyo hanggang sa panahong walang takda;Sa sali’t salinlahi ay ipahahayag namin ang iyong kapurihan.+

