Awit 149:1-9

149  Purihin ninyo si Jah!+Umawit kayo kay Jehova ng isang bagong awit,+Ng papuri sa kaniya sa kongregasyon ng mga matapat.+  2  Magsaya nawa ang Israel sa kaniyang Dakilang Maylikha,+Ang mga anak ng Sion—magalak nawa sila sa kanilang Hari.+  3  Purihin nawa nila ang kaniyang pangalan nang may sayawan.+Tumugtog nawa sila para sa kaniya na may tamburin at alpa.+  4  Sapagkat si Jehova ay nalulugod sa kaniyang bayan.+Pinagaganda niya ng kaligtasan ang maaamo.+  5  Magbunyi nawa sa kaluwalhatian ang mga matapat;Humiyaw nawa sila nang may kagalakan sa kanilang mga higaan.+  6  Mapasakanilang lalamunan nawa ang mga awit na dumadakila sa Diyos,+At mapasakanilang kamay nawa ang isang tabak na may dalawang talim,+  7  Upang maglapat ng paghihiganti sa mga bansa,+Ng mga pagsaway sa mga liping pambansa,+  8  Upang gapusin ng mga pampataw ang kanilang mga hari+At ng mga pangaw na bakal ang kanilang mga maluwalhati,  9  Upang ilapat sa kanila ang nasusulat na hudisyal na pasiya.+Ang gayong karilagan ay nauukol sa lahat ng kaniyang mga matapat.+Purihin ninyo si Jah!+

Talababa