Awit 137:1-9
137 Sa tabi ng mga ilog ng Babilonya+—doon kami umupo.+Tumangis din kami nang maalaala namin ang Sion.+
2 Sa mga punong alamo+ sa gitna niyaAy isinabit namin ang aming mga alpa.+
3 Sapagkat yaong mga humahawak sa amin bilang bihag ay doon humihiling sa amin ng mga salita ng isang awit,+At yaong mga nanlilibak sa amin—ng pagsasaya:+“Awitin ninyo para sa amin ang isa sa mga awit ng Sion.”+
4 Paano namin maaawit ang awit kay Jehova+Sa banyagang lupain?+
5 Kung kalilimutan kita, O Jerusalem,+Maging malilimutin na sana ang aking kanang kamay.
6 Dumikit na sana sa ngalangala ko ang aking dila,+Kung hindi kita aalalahanin,+Kung hindi ko itataas ang JerusalemNang higit pa sa aking pangunahing dahilan ng pagsasaya.+
7 Alalahanin mo,+ O Jehova, ang araw ng Jerusalem+ may kinalaman sa mga anak ng Edom,+Na mga nagsasabi: “Gibain iyon! Gibain iyon hanggang sa pundasyon sa loob niyaon!”+
8 O anak na babae ng Babilonya, na sasamsaman,+Magiging maligaya siya na gumaganti sa iyo+Ng iyong pakikitungo na ipinakitungo mo sa amin.+
9 Magiging maligaya siya na susunggab at maghahampas+Ng iyong mga anak sa malaking bato.

