Awit 26:1-12
Ni David.
26 Hatulan mo ako,+ O Jehova, sapagkat ako ay lumakad sa aking katapatan,+At kay Jehova ako nagtiwala, upang hindi ako sumuray.+
2 Suriin mo ako, O Jehova, at ilagay mo ako sa pagsubok;+Dalisayin mo ang aking mga bato at ang aking puso.+
3 Sapagkat ang iyong maibiging-kabaitan ay nasa harap ng aking mga mata,At lumakad ako sa iyong katotohanan.+
4 Hindi ako umupong kasama ng mga taong bulaan;+At hindi ako pumapasok na kasama ng mga mapagpakunwari.+
5 Kinapopootan ko ang kongregasyon ng mga manggagawa ng kasamaan,+At hindi ako umuupong kasama ng mga balakyot.+
6 Huhugasan ko ang aking mga kamay sa kawalang-sala,+At lalakad ako sa palibot ng iyong altar, O Jehova,+
7 Upang maiparinig nang malakas ang pasasalamat,+At upang ipahayag ang lahat ng iyong mga kamangha-manghang gawa.+
8 Jehova, iniibig ko ang tahanan sa iyong bahay+At ang dako na tinatahanan ng iyong kaluwalhatian.+
9 Huwag mong kuning kasama ng mga makasalanan ang aking kaluluwa,+Ni ang aking buhay na kasama ng mga taong may pagkakasala sa dugo,+
10 Na sa kanilang mga kamay ay may mahalay na paggawi,+At ang kanilang kanang kamay ay punô ng panunuhol.+
11 Sa ganang akin, lalakad ako sa aking katapatan.+O tubusin mo ako+ at pagpakitaan mo ako ng lingap.+
12 Ang paa ko ay tatayo nga sa patag na dako;+Sa gitna ng mga nagkakatipong karamihan ay pagpapalain ko si Jehova.+

