Awit 49:1-20
Sa tagapangasiwa. Ng mga anak ni Kora.+ Isang awitin.
49 Dinggin ninyo ito, ninyong lahat na mga bayan.Makinig kayo, kayong lahat na tumatahan sa sistema ng mga bagay,+
2 Kayong mga anak ng sangkatauhan at gayundin kayong mga anak ng tao,Kapuwa ikaw na mayaman at ikaw na dukha.+
3 Ang aking bibig ay magsasalita ng mga bagay tungkol sa karunungan,+At ang pagbubulay-bulay ng aking puso ay sa mga bagay tungkol sa unawa.+
4 Ikikiling ko ang aking tainga sa isang kasabihan;+Isisiwalat ko ang aking bugtong+ sa pamamagitan ng alpa.
5 Bakit ako matatakot sa mga araw ng kasamaan,+Kapag ang kamalian ng mga kaagaw ko ay nakapalibot sa akin?+
6 Yaong mga nagtitiwala sa kanilang kabuhayan,+At laging naghahambog tungkol sa kasaganaan ng kanilang kayamanan,+
7 Walang isa man sa kanila ang sa paanuman ay makatutubos sa kaniyang kapatid,+Ni makapagbibigay man sa Diyos ng pantubos para sa kaniya;
8 (At ang halagang pantubos sa kanilang kaluluwa ay napakamahal+Anupat ito ay naglikat hanggang sa panahong walang takda)
9 Upang mabuhay pa siya magpakailanman at hindi niya makita ang hukay.+
10 Sapagkat nakikita niya na maging ang marurunong ay namamatay,+Magkasamang pumapanaw ang hangal at ang walang-katuwiran,+At iiwan nila sa iba ang kanilang kabuhayan.+
11 Ang kanilang panloob na pagnanais ay na manatili ang kanilang mga bahay hanggang sa panahong walang takda,+Ang kanilang mga tabernakulo sa sali’t salinlahi.+Tinatawag nila ang kanilang mga lupaing ari-arian ayon sa kanilang mga pangalan.+
12 Magkagayunman ang makalupang tao, bagaman may karangalan, ay hindi namamalagi;+Siya ay maihahambing nga sa mga hayop na pumanaw.+
13 Ito ang lakad ng mga may kahangalan,+At ng mga sumusunod sa kanila na nalulugod sa kanilang mga pananalita. Selah.
14 Sila ay nakatalaga sa Sheol+ na gaya ng mga tupa;Kamatayan ang magpapastol sa kanila;+At ang mga matuwid ay magpupuno sa kanila sa kinaumagahan,+At ang kanilang mga anyo ay maaagnas;+Ang Sheol sa halip na isang marangal na tahanan ang ukol sa bawat isa.+
15 Gayunman, tutubusin ng Diyos ang aking kaluluwa mula sa kamay ng Sheol,+Sapagkat tatanggapin niya ako. Selah.
16 Huwag kang matakot kapag may taong nagtatamo ng kayamanan,+Kapag ang kaluwalhatian ng kaniyang bahay ay lumalago,+
17 Sapagkat sa kaniyang kamatayan ay wala siyang madadalang anuman;+Ang kaniyang kaluwalhatian ay hindi bababang kasama niya.+
18 Sapagkat sa buong buhay niya ay pinagpapala niya ang kaniyang sariling kaluluwa;+(At pupurihin ka ng mga tao sapagkat gumagawa ka ng mabuti sa iyong sarili)+
19 Ang kaniyang kaluluwa sa wakas ay nakararating lamang hanggang sa salinlahi ng kaniyang mga ninuno.+Kailanman ay hindi na nila makikita ang liwanag.+
20 Ang makalupang tao, na bagaman may karangalan ay hindi nakauunawa,+Ay maihahambing nga sa mga hayop na pumanaw.+

