Awit 47:1-9

Sa tagapangasiwa. Ng mga anak ni Kora. Isang awitin. 47  Lahat kayong mga bayan, ipalakpak ninyo ang inyong mga kamay.+May-pagbubunyi kayong sumigaw sa Diyos taglay ang ingay ng hiyaw ng kagalakan.+  2  Sapagkat si Jehova, ang Kataas-taasan, ay kakila-kilabot,+Isang dakilang Hari sa buong lupa.+  3  Susupilin niya ang mga bayan sa ilalim natin+At ang mga liping pambansa sa ilalim ng ating mga paa.+  4  Pipiliin niya para sa atin ang ating mana,+Ang pagmamapuri ng Jacob, na iniibig niya.+ Selah.  5  Ang Diyos ay pumailanlang kasabay ng mga sigaw ng kagalakan,+Si Jehova kasabay ng tunog ng tambuli.+  6  Umawit kayo para sa Diyos, umawit kayo.+Umawit kayo para sa ating Hari, umawit kayo.  7  Sapagkat ang Diyos ay Hari sa buong lupa;+Umawit kayo, na kumikilos nang may katalinuhan.+  8  Ang Diyos ay naging hari sa mga bansa.+Ang Diyos ay umupo sa kaniyang banal na trono.+  9  Ang mga taong mahal ng mga bayan ay nagtipun-tipon,+Kasama ng bayan ng Diyos ni Abraham.+Sapagkat ang mga kalasag ng lupa ay sa Diyos.+Siya ay lubhang mataas sa kaniyang pagkakataas.+

Talababa