Awit 48:1-14
Isang awit. Awitin ng mga anak ni Kora.+
48 Si Jehova ay dakila at marapat na purihin+Sa lunsod ng ating Diyos,+ sa kaniyang banal na bundok.+
2 Maganda sa katayugan, ang pagbubunyi ng buong lupa,+Ang Bundok Sion sa mga dulong bahagi ng hilaga,+Ang bayan ng Dakilang Hari.+
3 Sa kaniyang mga tirahang tore ay nahayag ang Diyos bilang matibay na kaitaasan.+
4 Sapagkat, narito! ang mga hari ay nagtagpo ayon sa pinagkasunduan,+Dumaan silang sama-sama.+
5 Nakita nila mismo; at namangha nga sila.Naligalig sila, napatakbo sila sa takot.+
6 Ang panginginig ay nanaig sa kanila roon,+Mga hapdi ng panganganak na gaya ng sa babaing nanganganak.+
7 Sa pamamagitan ng hanging silangan ay giniba mo ang mga barko ng Tarsis.+
8 Kung ano ang aming narinig, gayon ang aming nakita+Sa lunsod ni Jehova ng mga hukbo, sa lunsod ng aming Diyos.+Itatatag ito nang matibay ng Diyos hanggang sa panahong walang takda.+ Selah.
9 Nagmuni-muni kami, O Diyos, tungkol sa iyong maibiging-kabaitan+Sa gitna ng iyong templo.+
10 Gaya ng iyong pangalan,+ O Diyos, gayundin ang papuri sa iyoHanggang sa mga hanggahan ng lupa.Ang iyong kanang kamay ay puspos ng katuwiran.+
11 Magsaya nawa ang Bundok Sion,+Magalak nawa ang mga sakop na bayan ng Juda,+ dahil sa iyong mga hudisyal na pasiya.+
12 Libutin ninyo ang Sion, at ligirin ninyo ito,+Bilangin ninyo ang mga tore nito.+
13 Ituon ninyo ang inyong mga puso sa muralya nito.+Suriin ninyo ang kaniyang mga tirahang tore,Upang maisalaysay ninyo ito sa darating na salinlahi.+
14 Sapagkat ang Diyos na ito ay ating Diyos hanggang sa panahong walang takda, magpakailan-kailanman.+Siya ang papatnubay sa atin hanggang sa tayo ay mamatay.+

