Awit 119:1-176
א [Alep]
119 Maligaya ang mga walang pagkukulang sa kanilang lakad,+Ang mga lumalakad sa kautusan ni Jehova.+
2 Maligaya yaong mga tumutupad sa kaniyang mga paalaala;+Buong puso nila siyang hinahanap.+
3 Tunay ngang hindi sila nagsagawa ng kalikuan.+Sa kaniyang mga daan ay lumakad sila.+
4 Ikaw ay mahigpit na nagbigay ng iyong mga pag-uutos+Upang tuparin nang maingat.+
5 O kung ang aking mga daan sana ay matibay na nakatatag+Upang tuparin ang iyong mga tuntunin!+
6 Kung magkagayon ay hindi ako mapapahiya,+Kapag aking tiningnan ang lahat ng iyong mga utos.+
7 Pupurihin kita sa katapatan ng puso,+Kapag natutuhan ko ang iyong matuwid na mga hudisyal na pasiya.+
8 Ang iyong mga tuntunin ay patuloy kong tinutupad.+O huwag mo akong iwan nang lubusan.+
ב [Bet]
9 Paano lilinisin ng isang kabataang lalaki+ ang kaniyang landas?Sa pananatiling mapagbantay ayon sa iyong salita.+
10 Hinanap kita nang aking buong puso.+Huwag mo akong iligaw mula sa iyong mga utos.+
11 Sa aking puso ay pinakaingatan ko ang iyong pananalita,+Upang hindi ako magkasala laban sa iyo.+
12 Pinagpala ka, O Jehova.Ituro mo sa akin ang iyong mga tuntunin.+
13 Ipinahayag ko ng aking mga labi+Ang lahat ng mga hudisyal na pasiya mula sa iyong bibig.+
14 Sa daan ng iyong mga paalaala ay nagbunyi ako,+Na gaya ng sa lahat ng iba pang mahahalagang pag-aari.+
15 Ang iyong mga pag-uutos ay pagtutuunan ko ng pansin,+At titingin ako sa iyong mga landas.+
16 Ang iyong mga batas ay kagigiliwan ko.+Hindi ko lilimutin ang iyong salita.+
ג [Gimel]
17 Makitungo ka nang may kawastuan sa iyong lingkod, upang mabuhay ako+At upang matupad ko ang iyong salita.+
18 Alisin mo ang takip sa aking mga mata, upang makita ko+Ang mga kamangha-manghang bagay mula sa iyong kautusan.+
19 Ako ay isang naninirahang dayuhan lamang sa lupain.+Huwag mong ikubli sa akin ang iyong mga utos.+
20 Ang aking kaluluwa ay nadudurog sa pananabik+Sa iyong mga hudisyal na pasiya sa lahat ng panahon.+
21 Sinaway mo ang mga pangahas na isinumpa,+Na lumilihis mula sa iyong mga utos.+
22 Igulong mo mula sa akin ang pandurusta at panghahamak,+Sapagkat tinupad ko ang iyong mga paalaala.+
23 Maging mga prinsipe ay umupo; laban sa akin ay nag-usap-usap sila.+Kung tungkol sa iyong lingkod, nagtutuon siya ng pansin sa iyong mga tuntunin.+
24 Gayundin, ang iyong mga paalaala ang aking kinagigiliwan,+Gaya ng mga taong tagapayo ko.+
ד [Dalet]
25 Ang aking kaluluwa ay dumikit na sa mismong alabok.+Ingatan mo akong buháy ayon sa iyong salita.+
26 Ipinahayag ko ang aking sariling mga daan, upang masagot mo ako.+Ituro mo sa akin ang iyong mga tuntunin.+
27 Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga pag-uutos,+Upang makapagtuon ako ng pansin sa iyong mga kamangha-manghang gawa.+
28 Ang aking kaluluwa ay puyat dahil sa pamimighati.+Ibangon mo ako ayon sa iyong salita.+
29 Alisin mo sa akin ang daan ng kabulaanan,+At lingapin mo ako ng iyong kautusan.+
30 Ang daan ng katapatan ay aking pinili.+Ang iyong mga hudisyal na pasiya ay itinuring kong angkop.+
31 Nanghawakan ako sa iyong mga paalaala.+O Jehova, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan.+
32 Tatakbuhin ko ang mismong daan ng iyong mga utos,+Sapagkat pinaglalaanan mo ng dako ang aking puso.+
ה [He]
33 Turuan mo ako, O Jehova, hinggil sa daan ng iyong mga tuntunin,+Upang matupad ko iyon hanggang sa kahuli-hulihan.+
34 Ipaunawa mo sa akin, upang matupad ko ang iyong kautusan+At upang maingatan ko iyon nang buong puso.+
35 Palakarin mo ako sa landas ng iyong mga utos,+Sapagkat iyon ay kinalulugdan ko.+
36 Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga paalaala,+At hindi sa mga pakinabang.+
37 Palampasin mo ang aking mga mata sa pagtingin sa walang kabuluhan;+Ingatan mo akong buháy sa iyong daan.+
38 Tuparin mo sa iyong lingkod ang iyong pananalita+Na umaakay sa pagkatakot sa iyo.+
39 Palampasin mo ang aking kadustaan, na aking kinatatakutan,+Sapagkat ang iyong mga hudisyal na pasiya ay mabuti.+
40 Narito! Nananabik ako sa iyong mga pag-uutos.+Sa iyong katuwiran ay ingatan mo akong buháy.+
ו [Waw]
41 At dumating nawa sa akin ang iyong mga maibiging-kabaitan, O Jehova,+Ang iyong pagliligtas ayon sa iyong pananalita,+
42 Upang masagot ko ng salita yaong nandurusta sa akin,+Sapagkat nagtiwala ako sa iyong salita.+
43 At huwag mong lubusang alisin sa aking bibig ang salita ng katotohanan,+Sapagkat naghintay ako sa iyong hudisyal na pasiya.+
44 At tutuparin kong lagi ang iyong kautusan,+Hanggang sa panahong walang takda, magpakailan-kailanman.+
45 At lalakad ako sa maluwang na dako,+Sapagkat hinanap ko ang iyong mga pag-uutos.+
46 Magsasalita rin ako tungkol sa iyong mga paalaala sa harap ng mga hari,+At hindi ako mapapahiya.+
47 At kagigiliwan ko ang iyong mga utos+Na aking iniibig.+
48 At itataas ko ang aking mga palad sa iyong mga utos na aking iniibig,+At magtutuon ako ng pansin sa iyong mga tuntunin.+
ז [Zayin]
49 Alalahanin mo ang salita sa iyong lingkod,+Na ukol doon ay pinaghintay mo ako.+
50 Ito ang aking kaaliwan sa aking kapighatian,+Sapagkat iningatan akong buháy ng iyong pananalita.+
51 Inalipusta ako nang labis ng mga pangahas.+Mula sa iyong kautusan ay hindi ako lumihis.+
52 Naalaala ko ang iyong mga hudisyal na pasiya mula nang panahong walang takda, O Jehova,+At nakasumpong ako ng aking kaaliwan.+
53 Pinanaigan ako ng nagngangalit na pag-iinit dahil sa mga balakyot,+Na nagpapabaya sa iyong kautusan.+
54 Ang iyong mga tuntunin ay naging mga awitin sa akin+Sa bahay ng aking mga paninirahan bilang dayuhan.+
55 Sa gabi ay inaalaala ko ang iyong pangalan, O Jehova,+Upang matupad ko ang iyong kautusan.+
56 Ito man ay naging akin,Sapagkat ang iyong mga pag-uutos ay tinupad ko.+
ח [Ket]
57 Si Jehova ang aking bahagi;+Aking ipinangakong tutuparin ko ang iyong mga salita.+
58 Pinalambot ko ang iyong mukha nang aking buong puso.+Pagpakitaan mo ako ng lingap ayon sa iyong pananalita.+
59 Pinag-isipan ko ang aking mga lakad,+Upang maipanumbalik ko ang aking mga paa sa iyong mga paalaala.+
60 Ako ay nagmadali, at hindi ako nagluwat+Sa pagtupad sa iyong mga utos.+
61 Pinuluputan ako ng mga lubid ng mga balakyot.+Ang iyong kautusan ay hindi ko nilimot.+
62 Sa hatinggabi ay bumabangon ako upang magpasalamat sa iyo+Dahil sa iyong matuwid na mga hudisyal na pasiya.+
63 Kasamahan ako ng lahat ng natatakot sa iyo,+At ng mga tumutupad ng iyong mga pag-uutos.+
64 O Jehova, ang lupa ay pinunô ng iyong maibiging-kabaitan.+Ituro mo sa akin ang iyong mga tuntunin.+
ט [Tet]
65 Nakitungo ka ngang mabuti sa iyong lingkod,+O Jehova, ayon sa iyong salita.+
66 Turuan mo ako ng kabutihan,+ ng katinuan+ at ng kaalaman,+Sapagkat nanampalataya ako sa iyong mga utos.+
67 Bago ako napasailalim ng kapighatian ay nagkakasala ako nang di-sinasadya,+Ngunit ngayon ay iniingatan ko na ang iyong pananalita.+
68 Ikaw ay mabuti at gumagawa ng mabuti.+Ituro mo sa akin ang iyong mga tuntunin.+
69 Dinungisan ako ng kabulaanan ng mga pangahas.+Sa ganang akin, tutuparin ko ang iyong mga pag-uutos nang aking buong puso.+
70 Ang kanilang puso ay naging manhid na tulad ng taba.+Sa ganang akin, kinagigiliwan ko ang iyong kautusan.+
71 Mabuti sa akin na ako ay napighati,+Upang matutuhan ko ang iyong mga tuntunin.+
72 Ang kautusan+ ng iyong bibig ay mabuti para sa akin,+Higit pa kaysa sa libu-libong piraso ng ginto at pilak.+
י [Yod]
73 Ginawa ako ng iyong sariling mga kamay, at itinatag akong matibay ng mga iyon.+Ipaunawa mo sa akin, upang matutuhan ko ang iyong mga utos.+
74 Yaong mga may takot sa iyo ang siyang nakakakita sa akin at nagsasaya,+Sapagkat naghintay ako sa iyong salita.+
75 Nalalaman kong lubos, O Jehova, na ang iyong mga hudisyal na pasiya ay katuwiran+At sa katapatan ay pinighati mo ako.+
76 Pakisuyo, maging kaaliwan nawa sa akin ang iyong maibiging-kabaitan,+Ayon sa iyong pananalita sa iyong lingkod.+
77 Dumating nawa sa akin ang iyong kaawaan, upang manatili akong buháy;+Sapagkat ang iyong kautusan ang aking kinagigiliwan.+
78 Mapahiya nawa ang mga pangahas, sapagkat iniligaw nila ako nang walang dahilan.+Sa ganang akin, pinagtutuunan ko ng pansin ang iyong mga pag-uutos.+
79 Bumalik nawa sa akin yaong mga may takot sa iyo,+Yaong mga nakaaalam din ng iyong mga paalaala.+
80 Maging walang pagkukulang nawa sa iyong mga tuntunin ang aking puso,+Upang hindi ako mapahiya.+
כ [Kap]
81 Ang iyong pagliligtas ay minimithi ng aking kaluluwa;+Ang iyong salita ay hinihintay ko.+
82 Minimithi ng aking mga mata ang iyong pananalita,+Habang sinasabi ko: “Kailan mo ako aaliwin?”+
83 Sapagkat ako ay naging tulad ng sisidlang balat+ sa usok.Ang iyong mga tuntunin ay hindi ko nililimot.+
84 Gaano karami ang mga araw ng iyong lingkod?+Kailan ka maglalapat ng kahatulan laban sa mga umuusig sa akin?+
85 Ang mga pangahas ay nagdukal ng mga patibong upang hulihin ako,+Yaong mga hindi sang-ayon sa iyong kautusan.+
86 Ang lahat ng iyong mga utos ay siyang katapatan.+Pinag-uusig nila ako nang walang dahilan. O tulungan mo nawa ako.+
87 Kaunti pa at malilipol na nila ako sa lupa;+Ngunit hindi ko iniwan ang iyong mga pag-uutos.+
88 Ingatan mo akong buháy ayon sa iyong maibiging-kabaitan,+Upang matupad ko ang paalaala ng iyong bibig.+
ל [Lamed]
89 Hanggang sa panahong walang takda, O Jehova,+Ang iyong salita ay nakatatag sa langit.+
90 Ang iyong katapatan ay sa sali’t salinlahi.+Itinatag mong matibay ang lupa, upang ito ay mamalagi.+
91 Ayon sa iyong mga hudisyal na pasiya ay namamalagi sila hanggang sa ngayon,+Sapagkat silang lahat ay mga lingkod mo.+
92 Kung ang iyong kautusan ay hindi ko kinagigiliwan,+Kung gayon ay namatay na sana ako sa aking kapighatian.+
93 Hanggang sa panahong walang takda ay hindi ko lilimutin ang iyong mga pag-uutos,+Sapagkat sa pamamagitan ng mga iyon ay iniingatan mo akong buháy.+
94 Ako ay sa iyo. O iligtas mo nawa ako,+Sapagkat hinanap ko ang iyong mga pag-uutos.+
95 Inabangan ako ng mga balakyot, upang patayin ako.+Sa iyong mga paalaala ay lagi akong nagbibigay-pansin.+
96 Nakita ko ang wakas ng lahat ng kasakdalan.+Ang iyong utos ay napakalawak.
מ [Mem]
97 Gayon na lamang ang pag-ibig ko sa iyong kautusan!+Buong araw ko itong pinag-iisipan.+
98 Pinangyayari ng iyong utos na maging mas marunong ako+ kaysa sa aking mga kaaway,Sapagkat hanggang sa panahong walang takda ay sa akin iyon.+
99 Nagkaroon ako ng higit na kaunawaan kaysa sa lahat ng aking mga guro,+Sapagkat ang iyong mga paalaala ay pinag-iisipan ko.+
100 Gumagawi akong may higit na unawa kaysa sa matatandang lalaki,+Sapagkat tinupad ko ang iyong mga pag-uutos.+
101 Pinigilan ko ang aking mga paa mula sa lahat ng masamang landas,+Sa layuning matupad ko ang iyong salita.+
102 Hindi ako lumihis mula sa iyong mga hudisyal na pasiya,+Sapagkat ikaw mismo ang nagturo sa akin.+
103 Kay dulas sa aking ngalangala ng iyong mga pananalita,Higit pa kaysa sa pulot-pukyutan sa aking bibig!+
104 Dahil sa iyong mga pag-uutos ay gumagawi akong may unawa.+Kaya naman kinapopootan ko ang bawat landas ng kabulaanan.+
נ [Nun]
105 Ang iyong salita ay lampara sa aking paa,+At liwanag sa aking landas.+
106 Ako ay sumumpa, at isasagawa ko iyon,+Na iingatan ko ang iyong matuwid na mga hudisyal na pasiya.+
107 Ako ay lubhang napighati.+O Jehova, ingatan mo akong buháy ayon sa iyong salita.+
108 Pakisuyong kalugdan mo ang mga kusang-loob na handog ng aking bibig, O Jehova,+At ituro mo sa akin ang iyong mga hudisyal na pasiya.+
109 Ang aking kaluluwa ay palaging nasa palad ko;+Ngunit ang iyong kautusan ay hindi ko nililimot.+
110 Ang mga balakyot ay naglagay ng bitag para sa akin,+Ngunit mula sa iyong mga pag-uutos ay hindi ako lumihis.+
111 Tinanggap ko ang iyong mga paalaala bilang pag-aari hanggang sa panahong walang takda,+Sapagkat ang mga iyon ang ipinagbubunyi ng aking puso.+
112 Ikiniling ko ang aking puso sa paggawa ng iyong mga tuntunin+Hanggang sa panahong walang takda, hanggang sa kahuli-hulihan.+
ס [Samek]
113 Ang mga may pusong hati ay kinapopootan ko,+Ngunit ang iyong kautusan ay iniibig ko.+
114 Ikaw ang aking dakong kublihan at aking kalasag.+Ang iyong salita ay hinihintay ko.+
115 Lumayo kayo sa akin, kayong mga manggagawa ng kasamaan,+Upang matupad ko ang mga utos ng aking Diyos.+
116 Alalayan mo ako ayon sa iyong pananalita, upang manatili akong buháy,+At huwag mo akong ilagay sa kahihiyan dahil sa aking pag-asa.+
117 Palakasin mo ako, upang ako ay maligtas,+At lagi akong tititig sa iyong mga tuntunin.+
118 Itinakwil mo silang lahat na lumilihis sa iyong mga tuntunin;+Sapagkat ang kanilang pandaraya ay kabulaanan.+
119 Gaya ng maruming linab ay pinaglaho mo ang lahat ng balakyot sa lupa.+Kaya iniibig ko ang iyong mga paalaala.+
120 Dahil sa panghihilakbot sa iyo ay nangingilabot ang aking laman;+At dahil sa iyong mga hudisyal na pasiya ay natatakot ako.+
ע [Ayin]
121 Ako ay naglapat ng kahatulan at katuwiran.+O huwag mo akong iwan sa mga nandaraya sa akin!+
122 Maging panagot ka para sa iyong lingkod sa ikabubuti.+Huwag nawa akong dayain ng mga pangahas.+
123 Minimithi ng akin mismong mga mata ang iyong pagliligtas+At ang iyong matuwid na pananalita.+
124 Gawin mo sa iyong lingkod ang ayon sa iyong maibiging-kabaitan,+At ituro mo sa akin ang iyong mga tuntunin.+
125 Ako ay iyong lingkod.+ Ipaunawa mo sa akin,+Upang malaman ko ang iyong mga paalaala.+
126 Panahon na upang kumilos si Jehova.+Nilabag nila ang iyong kautusan.+
127 Kaya naman iniibig ko ang iyong mga utos+Nang higit pa kaysa sa ginto, maging sa dalisay na ginto.+
128 Kaya naman itinuturing kong marapat ang lahat ng pag-uutos tungkol sa lahat ng bagay;+Ang bawat landas ng kabulaanan ay kinapopootan ko.+
פ [Pe]
129 Ang iyong mga paalaala ay kamangha-mangha.+Kaya naman ang mga iyon ay tinutupad ng aking kaluluwa.+
130 Ang mismong pagbubunyag ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag,+Na nagpapaunawa sa mga walang-karanasan.+
131 Ibinuka kong mabuti ang aking bibig, upang ako ay makahingal,+Sapagkat ang iyong mga utos ay pinananabikan ko.+
132 Bumaling ka sa akin at pagpakitaan mo ako ng lingap,+Ayon sa iyong hudisyal na pasiya para sa mga umiibig sa iyong pangalan.+
133 Itatag mo nang matibay ang aking mga hakbang sa iyong pananalita,+At huwag nawang manaig sa akin ang anumang bagay na nakasasakit.+
134 Tubusin mo ako mula sa sinumang mandaraya sa mga tao,+At tutuparin ko ang iyong mga pag-uutos.+
135 Pasinagin mo ang iyong mukha sa iyong lingkod,+At ituro mo sa akin ang iyong mga tuntunin.+
136 Mga daloy ng tubig ang tumulo mula sa aking mga mata+Sa dahilang hindi nila tinupad ang iyong kautusan.+
צ [Tsade]
137 Ikaw ay matuwid, O Jehova,+At ang iyong mga hudisyal na pasiya ay matapat.+
138 Iniutos mo ang iyong mga paalaala+ sa katuwiranAt sa lubos na katapatan.+
139 Pinaglalaho ako ng aking pag-aalab,+Dahil nilimot ng aking mga kalaban ang iyong mga salita.+
140 Ang iyong pananalita ay lubhang dalisay,+At iniibig ito ng iyong lingkod.+
141 Ako ay walang-halaga at kasuklam-suklam.+Ang iyong mga pag-uutos ay hindi ko nililimot.+
142 Ang iyong katuwiran ay katuwiran hanggang sa panahong walang takda,+At ang iyong kautusan ay katotohanan.+
143 Dinatnan ako ng kabagabagan at ng paghihirap.+Ang iyong mga utos ay kinagiliwan ko.+
144 Ang katuwiran ng iyong mga paalaala ay hanggang sa panahong walang takda.+Ipaunawa mo sa akin, upang manatili akong buháy.+
ק [Kop]
145 Tumawag ako nang aking buong puso.+ Sagutin mo ako, O Jehova.+Ang iyong mga tuntunin ay tutuparin ko.+
146 Tumawag ako sa iyo. O iligtas mo nawa ako!+At tutuparin ko ang iyong mga paalaala.+
147 Nakabangon na ako nang maaga sa pagbubukang-liwayway,+ upang humingi ako ng tulong.+Ang iyong mga salita ay hinihintay ko.+
148 Ang aking mga mata ay nauuna sa mga pagbabantay sa gabi,+Upang mapagtuunan ko ng pansin ang iyong pananalita.+
149 O dinggin mo nawa ang aking tinig ayon sa iyong maibiging-kabaitan.+O Jehova, ingatan mo akong buháy ayon sa iyong hudisyal na pasiya.+
150 Yaong mga nagtataguyod ng mahalay na paggawi+ ay lumalapit;Nagpakalayu-layo sila sa iyong kautusan.+
151 Ikaw ay malapit, O Jehova,+At ang lahat ng iyong mga utos ay katotohanan.+
152 Noong sinaunang panahon ay nalaman ko ang ilan sa iyong mga paalaala,+Sapagkat itinatag mo ang mga iyon hanggang sa panahong walang takda.+
ר [Res]
153 O tingnan mo nawa ang aking kapighatian, at iligtas mo ako;+Sapagkat hindi ko nililimot ang iyong kautusan.+
154 O ipakipaglaban mo nawa ang aking usapin sa batas at tubusin mo ako;+Ingatan mo akong buháy alinsunod sa iyong pananalita.+
155 Ang kaligtasan ay malayo sa mga balakyot,+Sapagkat hindi nila hinahanap ang iyong mga tuntunin.+
156 Marami ang iyong kaawaan, O Jehova.+Ayon sa iyong mga hudisyal na pasiya, O ingatan mo nawa akong buháy.+
157 Ang mga nang-uusig sa akin at ang aking mga kalaban ay marami.+Mula sa iyong mga paalaala ay hindi ako lumihis.+
158 Nakita ko yaong mga taksil sa pakikitungo,+At ako ay naririmarim, dahil hindi nila iniingatan ang iyong pananalita.+
159 O tingnan mo’t iniibig ko ang iyong mga pag-uutos.+O Jehova, ingatan mo akong buháy ayon sa iyong maibiging-kabaitan.+
160 Ang diwa ng iyong salita ay katotohanan,+At ang bawat matuwid na hudisyal na pasiya mo ay hanggang sa panahong walang takda.+
ש [Sin] o [Shin]
161 Mga prinsipe ang umusig sa akin nang walang dahilan,+Ngunit ang aking puso ay nanghihilakbot sa iyong mga salita.+
162 Ako ay nagbubunyi sa iyong pananalita+Gaya ng isa kapag nakasusumpong ng maraming samsam.+
163 Ang kabulaanan ay kinapopootan ko,+ at patuloy ko itong kinasusuklaman.+Ang iyong kautusan ay iniibig ko.+
164 Pitong ulit kitang pinupuri sa isang araw+Dahil sa iyong matuwid na mga hudisyal na pasiya.+
165 Ang saganang kapayapaan ay nauukol sa mga umiibig sa iyong kautusan,+At sa kanila ay walang katitisuran.+
166 Umaasa ako sa iyong pagliligtas, O Jehova,+At ginagawa ko ang iyong mga utos.+
167 Tinutupad ng aking kaluluwa ang iyong mga paalaala,+At lubha kong iniibig ang mga iyon.+
168 Tinutupad ko ang iyong mga pag-uutos at ang iyong mga paalaala,+Sapagkat ang lahat ng aking mga lakad ay nasa harap mo.+
ת [Taw]
169 Dumating nawa sa harap mo ang aking pagsusumamo, O Jehova.+Ayon sa iyong salita, O ipaunawa mo nawa sa akin.+
170 Makapasok nawa sa harap mo ang paghiling ko ng lingap.+Ayon sa iyong pananalita, O iligtas mo nawa ako.+
171 Magbukal nawa ng papuri ang aking mga labi,+Sapagkat itinuturo mo sa akin ang iyong mga tuntunin.+
172 Awitin nawa ng aking dila ang iyong pananalita,+Sapagkat ang lahat ng iyong mga utos ay katuwiran.+
173 Tulungan nawa ako ng iyong kamay,+Sapagkat pinili ko ang iyong mga pag-uutos.+
174 Nananabik ako sa iyong pagliligtas, O Jehova,+At ang iyong kautusan ay kinagigiliwan ko.+
175 Ang aking kaluluwa nawa ay patuloy na mabuhay at pumuri sa iyo,+At tulungan nawa ako ng iyong mga hudisyal na pasiya.+
176 Gumagala-gala akong tulad ng nawawalang tupa.+ O hanapin mo nawa ang iyong lingkod,+Sapagkat hindi ko nililimot ang iyong mga utos.+

