Awit 145:1-21
Isang papuri, ni David.
א [Alep]
145 Dadakilain kita, O aking Diyos na Hari,+At pagpapalain ko ang iyong pangalan hanggang sa panahong walang takda, magpakailan-kailanman.+
ב [Bet]
2 Buong araw kitang pagpapalain,+At pupurihin ko ang iyong pangalan hanggang sa panahong walang takda, magpakailan-kailanman.+
ג [Gimel]
3 Si Jehova ay dakila at lubhang marapat na purihin,+At ang kaniyang kadakilaan ay di-masaliksik.+
ד [Dalet]
4 Papupurihan ng sali’t salinlahi ang iyong mga gawa,+At ipahahayag nila ang tungkol sa iyong makapangyarihang mga gawa.+
ה [He]
5 Ang maluwalhating karilagan ng iyong dangal+At ang tungkol sa iyong mga kamangha-manghang gawa ay pagtutuunan ko ng pansin.+
ו [Waw]
6 At magsasalita sila tungkol sa kalakasan ng iyong mga kakila-kilabot na bagay;+At tungkol naman sa iyong kadakilaan, ipahahayag ko iyon.+
ז [Zayin]
7 Sa pagbanggit ng kasaganaan ng iyong kabutihan ay mag-uumapaw sila,+At dahil sa iyong katuwiran ay hihiyaw sila nang may kagalakan.+
ח [Ket]
8 Si Jehova ay magandang-loob at maawain,+Mabagal sa pagkagalit at dakila sa maibiging-kabaitan.+
ט [Tet]
9 Si Jehova ay mabuti sa lahat,+At ang kaniyang kaawaan ay nasa lahat ng kaniyang mga gawa.+
י [Yod]
10 Pupurihin ka ng lahat ng iyong mga gawa, O Jehova,+At pagpapalain ka ng iyong mga matapat.+
כ [Kap]
11 Tungkol sa kaluwalhatian ng iyong paghahari ay mangungusap sila,+At tungkol sa iyong kalakasan ay magsasalita sila,+
ל [Lamed]
12 Upang ipaalam sa mga anak ng mga tao ang kaniyang makapangyarihang mga gawa+At ang kaluwalhatian ng karilagan ng kaniyang paghahari.+
מ [Mem]
13 Ang iyong paghahari ay isang paghahari sa lahat ng panahong walang takda,+At ang iyong pamumuno ay sa lahat ng sunud-sunod na salinlahi.+
ס [Samek]
14 Si Jehova ay umaalalay sa lahat ng nabubuwal,+At nagbabangon sa lahat ng nakayukod.+
ע [Ayin]
15 Sa iyo nakatingin nang may pag-asam ang mga mata ng lahat,+At binibigyan mo sila ng kanilang pagkain sa kapanahunan.+
פ [Pe]
16 Binubuksan mo ang iyong kamay+At sinasapatan mo ang nasa ng bawat bagay na may buhay.+
צ [Tsade]
17 Si Jehova ay matuwid sa lahat ng kaniyang mga daan+At matapat sa lahat ng kaniyang mga gawa.+
ק [Kop]
18 Si Jehova ay malapit sa lahat ng tumatawag sa kaniya,+Sa lahat ng tumatawag sa kaniya sa katapatan.+
ר [Res]
19 Ang nasa ng mga may takot sa kaniya ay kaniyang isasagawa,+At ang kanilang paghingi ng tulong ay kaniyang diringgin, at ililigtas niya sila.+
ש [Shin]
20 Binabantayan ni Jehova ang lahat ng umiibig sa kaniya,+Ngunit ang lahat ng balakyot ay lilipulin niya.+
ת [Taw]
21 Ang papuri kay Jehova ay sasalitain ng aking bibig;+At pagpalain nawa ng lahat ng laman ang kaniyang banal na pangalan hanggang sa panahong walang takda, magpakailan-kailanman.+

