Awit 147:1-20

147  Purihin ninyo si Jah,+Sapagkat mabuti ang umawit sa ating Diyos;+Sapagkat kaiga-igaya—ang papuri ay nararapat.+   Itinatayo ni Jehova ang Jerusalem;+Ang mga pinangalat mula sa Israel ay tinitipon niya.+   Pinagagaling+ niya ang mga may pusong wasak,+At tinatalian niya ang kanilang makikirot na bahagi.+   Tinutuos niya ang bilang ng mga bituin;+Silang lahat ay tinatawag niya ayon sa kanilang mga pangalan.+   Ang ating Panginoon ay dakila at sagana sa kapangyarihan;+Ang kaniyang unawa ay higit pa sa maisasalaysay.+   Pinagiginhawa ni Jehova ang maaamo;+Ibinababa niya sa lupa ang mga balakyot.+   Tumugon kayo kay Jehova na may pasasalamat;+Tumugtog kayo sa alpa para sa ating Diyos,+   Sa Isa na nagtatakip ng mga ulap sa langit,+Sa Isa na naghahanda ng ulan para sa lupa,+Sa Isa na nagpapasibol ng luntiang damo sa mga bundok.+   Sa mga hayop ay nagbibigay siya ng kanilang pagkain,+Sa mga inakáy na uwak na laging tumatawag.+ 10  Hindi siya nalulugod sa kalakasan ng kabayo,+Ni nakasusumpong man siya ng kaluguran sa mga binti ng tao.+ 11  Si Jehova ay nakasusumpong ng kaluguran sa mga may takot sa kaniya,+Sa mga naghihintay sa kaniyang maibiging-kabaitan.+ 12  Papurihan mo si Jehova,+ O Jerusalem.Purihin mo ang iyong Diyos, O Sion.+ 13  Sapagkat tinibayan niya ang mga halang ng iyong mga pintuang-daan;Pinagpala niya ang iyong mga anak sa loob mo.+ 14  Naglalagay siya ng kapayapaan sa iyong teritoryo;+Binubusog ka niyang palagi sa taba ng trigo.+ 15  Isinusugo niya ang kaniyang pananalita sa lupa;+Mabilis na tumatakbo ang kaniyang salita. 16  Nagbibigay siya ng niyebeng tulad ng lana;+Nagpapangalat siya ng nagyelong hamog na tulad ng abo.+ 17  Inihahagis niya ang kaniyang yelo na tulad ng maliliit na putol.+Sa harap ng kaniyang lamig ay sino ang makatatayo?+ 18  Isinusugo niya ang kaniyang salita+ at tinutunaw niya ang mga iyon.Pinahihihip niya ang kaniyang hangin;+Ang tubig ay pumapatak. 19  Sinasabi niya ang kaniyang salita sa Jacob,+Ang kaniyang mga tuntunin+ at ang kaniyang mga hudisyal na pasiya sa Israel.+ 20  Hindi niya ginawa ang gayon sa alinpamang bansa;+At kung tungkol sa kaniyang mga hudisyal na pasiya, hindi nila alam ang mga iyon.+Purihin ninyo si Jah!+

Talababa