Awit 128:1-6

Awit ng mga Pagsampa. 128  Maligaya ang bawat isa na natatakot kay Jehova,+Na lumalakad sa kaniyang mga daan.+  2  Sapagkat kakainin mo ang pinagpagalan ng iyong sariling mga kamay.+Magiging maligaya ka at ikaw ay mapapabuti.+  3  Ang iyong asawa ay magiging tulad ng punong ubas na namumunga+Sa mga kaloob-loobang bahagi ng iyong bahay.Ang iyong mga anak ay magiging tulad ng mga sibol ng mga punong olibo+ sa buong palibot ng iyong mesa.  4  Narito! Ganiyan pagpapalain ang matipunong lalaki+Na natatakot kay Jehova.+  5  Pagpapalain ka ni Jehova mula sa Sion.+Tingnan mo rin ang buti ng Jerusalem sa lahat ng mga araw ng iyong buhay,+  6  At tingnan mo ang mga anak ng iyong mga anak.+Magkaroon nawa ng kapayapaan sa Israel.+

Talababa