Awit 82:1-8
Awitin ni Asap.
82 Ang Diyos ay nakatayo sa kapulungan+ ng Makapangyarihan;+Sa gitna ng mga diyos ay humahatol siya:+
2 “Hanggang kailan kayo hahatol sa kawalang-katarungan+At magtatangi sa mga balakyot?+ Selah.
3 Maging mga hukom kayo para sa maralita at sa batang lalaking walang ama.+Ang napipighati at ang dukha ay bigyan ninyo ng katarungan.+
4 Maglaan kayo ng pagtakas para sa maralita at sa dukha;+Mula sa kamay ng mga balakyot ay iligtas ninyo sila.”+
5 Hindi nila alam, at hindi nila nauunawaan;+Sa kadiliman ay lumalakad sila;+Ang lahat ng pundasyon ng lupa ay nakikilos.+
6 “Ako mismo ay nagsabi, ‘Kayo ay mga diyos,+At kayong lahat ay mga anak ng Kataas-taasan.+
7 Tiyak na mamamatay kayong gaya ng mga tao;+At mabubuwal kayong tulad ng isa sa mga prinsipe!’ ”+
8 Bumangon ka, O Diyos, hatulan mo ang lupa;+Sapagkat ikaw ang dapat magmay-ari ng lahat ng mga bansa.+

