Awit 100:1-5
Awitin ng pasasalamat.+
100 May-pagbubunyi kayong sumigaw kay Jehova, lahat kayong mga tao sa lupa.+
2 Maglingkod kayo kay Jehova na may pagsasaya.+Lumapit kayo sa harap niya na may hiyaw ng kagalakan.+
3 Alamin ninyo na si Jehova ay Diyos.+Siya ang gumawa sa atin, at hindi tayo sa ganang sarili.+Tayo ang kaniyang bayan at mga tupa ng kaniyang pastulan.+
4 Pumasok kayo sa kaniyang mga pintuang-daan na may pasasalamat,+Sa kaniyang mga looban na may papuri.+Magpasalamat kayo sa kaniya, pagpalain ninyo ang kaniyang pangalan.+
5 Sapagkat si Jehova ay mabuti;+Ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda,+At ang kaniyang katapatan ay sa sali’t salinlahi.+

