Awit 54:1-7
Sa tagapangasiwa ng mga panugtog na de-kuwerdas. Maskil. Ni David. Nang dumating ang mga Zipeo at magsabi kay Saul: “Hindi ba nagkukubli si David doon sa amin?”+
54 O Diyos, sa pamamagitan ng iyong pangalan ay iligtas mo ako,+At sa pamamagitan ng iyong kalakasan ay ipagtanggol mo nawa ang aking usapin.+
2 O Diyos, dinggin mo ang aking panalangin;+Pakinggan mo ang mga pananalita ng aking bibig.+
3 Sapagkat may mga taong di-kilala na bumangon laban sa akin,At mga maniniil na humahanap sa aking kaluluwa.+Hindi nila inilagay ang Diyos sa harap nila.+ Selah.
4 Narito! Ang Diyos ay aking katulong;+Si Jehova ay kabilang sa mga umaalalay sa aking kaluluwa.
5 Igaganti niya ang masama sa aking mga kagalit;+Patahimikin mo sila sa iyong katapatan.+
6 May pagkukusang-loob akong maghahain sa iyo.+Pupurihin ko ang iyong pangalan, O Jehova, sapagkat ito ay mabuti.+
7 Sapagkat mula sa bawat kabagabagan ay iniligtas niya ako,+At ang aking mga kaaway ay pinagmasdan ng aking mata.+

