Awit 81:1-16

Sa tagapangasiwa ng Gitit.+ Ni Asap. 81  O humiyaw kayo nang may kagalakan sa Diyos na ating lakas;+May-pagbubunyi kayong sumigaw sa Diyos ni Jacob.+   Umpisahan ninyo ang isang awitin+ at kumuha kayo ng tamburin,+Ng kaiga-igayang alpa kasama ng panugtog na de-kuwerdas.+   Sa bagong buwan, hipan ninyo ang tambuli;+Sa kabilugan ng buwan, para sa araw ng ating kapistahan.+   Sapagkat ito ay tuntunin sa Israel,+Isang hudisyal na pasiya ng Diyos ni Jacob.   Bilang paalaala ay iniatang niya ito kay Jose,+Noong yumayaon siya sa lupain ng Ehipto.+Isang wika na hindi ko alam ang lagi kong naririnig.+   “Inihiwalay ko ang kaniyang balikat mula sa pasanin;+Ang kaniyang mga kamay ay nakalaya mula sa basket.+   Dahil sa kabagabagan ay tumawag ka, at iniligtas kita;+Sinagot kita sa kubling dako ng kulog.+Sinuri kita sa tubig ng Meriba.+ Selah.   Dinggin mo, O bayan ko, at ako ay magpapatotoo laban sa iyo,+O Israel, kung makikinig ka sa akin.+   Sa iyo ay hindi magkakaroon ng kakaibang diyos;+At hindi ka yuyukod sa banyagang diyos.+ 10  Ako, si Jehova, ang iyong Diyos,+Ang Isa na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Ehipto.+Ibuka mong mabuti ang iyong bibig, at pupunuin ko.+ 11  Ngunit ang aking bayan ay hindi nakinig sa tinig ko;+At ang Israel ay hindi nagpakita ng anumang pagnanais sa akin.+ 12  Kaya pinayaon ko sila sa pagkasutil ng kanilang puso;+Lumakad sila sa kanilang sariling mga payo.+ 13  O kung ang aking bayan sana ay nakikinig sa akin,+O kung ang Israel sana ay lalakad sa aking mga daan!+ 14  Ang kanilang mga kaaway ay madali kong masusupil,+At ibabaling ko ang aking kamay laban sa kanilang mga kalaban.+ 15  Kung tungkol sa mga masidhing napopoot kay Jehova, sila ay susukut-sukot na paroroon sa kaniya,+At ang kanilang panahon ay magiging hanggang sa panahong walang takda. 16  At pakakainin niya siya ng taba ng trigo,+At mula sa bato ay bubusugin kita ng pulot-pukyutan.”+

Talababa