Awit 123:1-4
Awit ng mga Pagsampa.
123 Itinitingin ko sa iyo ang aking mga mata,+O Ikaw na tumatahan sa langit.+
2 Narito! Kung paanong ang mga mata ng mga lingkod ay nakatingin sa kamay ng kanilang panginoon,+Kung paanong ang mga mata ng alilang babae ay nakatingin sa kamay ng kaniyang among babae,+Gayon nakatingin ang aming mga mata kay Jehova na aming Diyos+Hanggang sa pagpakitaan niya kami ng lingap.+
3 Pagpakitaan mo kami ng lingap, O Jehova, pagpakitaan mo kami ng lingap;+Sapagkat lubha kaming nalipos ng paghamak.+
4 Ang aming kaluluwa ay lubhang nalipos ng pang-aalipusta niyaong mga panatag,+Ng panghahamak ng mga mapagmataas.+

