Mga Awit 113:1-9

  • Ang Diyos sa kaitaasan ay nagbabangon sa mga hamak

    • Pupurihin magpakailanman ang pangalan ni Jehova (2)

    • Yumuyuko ang Diyos (6)

113  Purihin si Jah!* Maghandog kayo ng papuri, kayong mga lingkod ni Jehova,Purihin ang pangalan ni Jehova.  2  Purihin nawa ang pangalan ni JehovaNgayon at magpakailanman.+  3  Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito,Purihin nawa ang pangalan ni Jehova.+  4  Si Jehova ay higit na mataas kaysa sa lahat ng bansa;+Mas mataas pa sa langit ang kaluwalhatian niya.+  5  Sino ang gaya ni Jehova na ating Diyos,+Na nakatira* sa kaitaasan?  6  Yumuyuko siya para tumingin sa langit at sa lupa,+  7  At ibinabangon niya ang hamak mula sa alabok. Hinahango niya ang dukha mula sa bunton ng abo*+  8  Para paupuin ito kasama ng mga prominenteng tao,Kasama ng mga prominenteng tao ng bayan niya.  9  Binibigyan niya ng tahanan ang babaeng baogBilang masayang ina ng kaniyang mga anak.*+ Purihin si Jah!*

Talababa

^ O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
^ O “nakaupo sa trono.”
^ O posibleng “mula sa tambakan ng basura.”
^ Lit., “anak na lalaki.”
^ O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.