Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 TANONG 13

Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Pagtatrabaho?

“Nakakita ka na ba ng taong mahusay sa gawain niya? Tatayo siya sa harap ng mga hari; hindi siya tatayo sa harap ng karaniwang mga tao.”

Kawikaan 22:29

“Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw pa; sa halip, magtrabaho siya nang husto at nang marangal para may maibahagi siya sa nangangailangan.”

Efeso 4:28

“Ang bawat isa ay dapat kumain, uminom, at masiyahan sa lahat ng pinaghirapan niya. Regalo iyan ng Diyos.”

Eclesiastes 3:13