Isaias 39:1-8
39 Nang panahong iyon ay nagpadala si Merodac-baladan+ na anak ni Baladan na hari ng Babilonya+ ng mga liham at ng isang kaloob+ kay Hezekias, pagkarinig niya na ito ay nagkasakit ngunit lumakas nang muli.+
2 Kaya si Hezekias ay nagsimulang magsaya dahil sa kanila+ at ipinakita sa kanila ang kaniyang imbakang-yaman,+ ang pilak at ang ginto at ang langis ng balsamo+ at ang mainam na langis at ang kaniyang buong taguan ng mga armas+ at ang lahat ng masusumpungan sa kaniyang kabang-yaman. Walang anumang bagay na hindi ipinakita sa kanila ni Hezekias sa kaniyang sariling bahay+ at sa kaniyang buong pamunuan.+
3 Pagkatapos nito ay pumaroon si Isaias na propeta kay Haring Hezekias at sinabi sa kaniya:+ “Ano ang sinabi ng mga lalaking ito, at saan sila nanggaling bago pumarito sa iyo?” Kaya sinabi ni Hezekias: “Pumarito sila sa akin mula sa isang malayong lupain, mula sa Babilonya.”+
4 At sinabi pa niya: “Ano ang nakita nila sa iyong bahay?”+ Dito ay sinabi ni Hezekias: “Ang lahat ng nasa aking bahay ay nakita nila. Wala akong hindi ipinakita sa kanila sa aking kabang-yaman.”
5 At sinabi ni Isaias kay Hezekias:+ “Dinggin mo ang salita ni Jehova ng mga hukbo,
6 ‘Narito! Ang mga araw ay dumarating, at ang lahat ng nasa iyong sariling bahay at inimbak ng iyong mga ninuno hanggang sa araw na ito ay dadalhin nga sa Babilonya.’+ ‘Walang anumang maiiwan,’+ ang sabi ni Jehova.
7 ‘At ang ilan sa sarili mong mga anak na manggagaling sa iyo, na ipanganganak sa iyo, ay kukunin+ at magiging mga opisyal nga ng korte+ sa palasyo ng hari ng Babilonya.’ ”+
8 Sa gayon ay sinabi ni Hezekias kay Isaias: “Ang salita ni Jehova na sinalita mo ay mabuti.”+ At sinabi pa niya: “Sapagkat ang kapayapaan at katotohanan+ ay magpapatuloy sa aking sariling mga araw.”+