Isaias 27:1-13
27 Sa araw na iyon si Jehova,+ taglay ang kaniyang matigas at malaki at matibay na tabak,+ ay magbabaling ng kaniyang pansin sa Leviatan,+ ang umuusad na serpiyente,+ sa Leviatan nga, ang likong serpiyente, at tiyak na papatayin niya ang dambuhalang hayop-dagat+ na nasa dagat.
2 Sa araw na iyon ay umawit kayo sa kaniya:+ “Isang ubasan+ ng alak na bumubula!
3 Akong si Jehova ang nag-iingat sa kaniya.+ Sa bawat sandali ay didiligin ko siya.+ Upang walang sinumang magbaling ng kaniyang pansin laban sa kaniya, iingatan ko siya maging sa gabi’t araw.+
4 Walang pagngangalit ang sumasaakin.+ Sino ang magbibigay sa akin ng mga tinikang-palumpong+ at mga panirang-damo sa pagbabaka? Tatapakan ko ang mga iyon. Ang mga iyon ay magkasabay kong sisilaban.+
5 Kung hindi ay tumangan siya sa aking moog, makipagpayapaan siya sa akin; ang pakikipagpayapaan sa akin ay gawin niya.”+
6 Sa mga araw na dumarating ay mag-uugat ang Jacob, ang Israel+ ay mamumulaklak at magsisibol nga; at talagang pupunuin nila ng bunga ang ibabaw ng mabungang lupain.+
7 Dapat ba siyang saktan ng sugat na gaya niyaong nagmula sa isang nananakit sa kaniya? O dapat ba siyang patayin na gaya ng pagpaslang sa mga napatay sa kaniya?+
8 Kasabay ng panakot na sigaw ay makikipaglaban ka rito kapag ito ay payayaunin. Patatalsikin niya ito ng kaniyang bugso, yaon ngang matindi sa araw ng hanging silangan.+
9 Kaya sa ganitong paraan ay ipagbabayad-sala ang kamalian ng Jacob,+ at ito ang buong bunga kapag inalis niya ang kaniyang kasalanan,+ kapag ang lahat ng mga bato ng altar ay ginawa niyang parang mga batong yeso na pinulbos, anupat ang mga sagradong poste+ at ang mga patungan ng insenso ay hindi na matatayo.+
10 Sapagkat ang nakukutaang lunsod ay mag-iisa, ang pastulan ay iiwan at pababayaang gaya ng ilang.+ Doon manginginain ang guya, at doon iyon hihiga; at uubusin nga niya ang mga sanga nito.+
11 Kapag natuyo na ang mumunting sanga nito, ang mga iyon ay babaliin ng mga babae na pumaparoon, at sisindihan ang mga iyon.+ Sapagkat hindi ito bayan na may matalas na unawa.+ Kaya naman hindi ito pagpapakitaan ng awa ng kaniyang Maylikha, at hindi ito pagpapakitaan ng lingap ng kaniyang Tagapag-anyo.+
12 At mangyayari nga na sa araw na iyon ay lalagasin ni Jehova ang bunga,+ mula sa umaagos na daloy ng Ilog+ hanggang sa agusang libis ng Ehipto,+ at gayon kayo kukuning isa-isa,+ O mga anak ni Israel.
13 At mangyayari nga na sa araw na iyon ay hihipan ang isang malaking tambuli,+ at yaong mga napapahamak sa lupain ng Asirya+ at yaong mga nakapanabog sa lupain ng Ehipto+ ay tiyak na darating at yuyukod+ kay Jehova sa banal na bundok sa Jerusalem.+