1 Cronica 17:1-27
17 At nangyari nga nang si David ay magsimulang manahanan sa kaniyang sariling bahay,+ si David ay nagsabi kay Natan+ na propeta: “Narito, ako ay tumatahan sa isang bahay na yari sa mga sedro,+ ngunit ang kaban+ ng tipan ni Jehova ay nasa ilalim ng mga telang pantolda.”+
2 Dahil dito ay sinabi ni Natan kay David: “Ang lahat ng nasa iyong puso ay gawin mo,+ sapagkat ang tunay na Diyos ay sumasaiyo.”+
3 At nangyari nga, nang gabing iyon ay dumating kay Natan ang salita+ ng Diyos, na nagsasabi:
4 “Yumaon ka, at sabihin mo kay David na aking lingkod, ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “Hindi ikaw ang magtatayo para sa akin ng bahay na tatahanan ko.+
5 Sapagkat hindi pa ako nanahanan sa isang bahay mula nang araw na iahon ko ang Israel hanggang sa araw na ito,+ kundi yumaon ako sa tolda at tolda at nagpalipat-lipat ng tabernakulo.+
6 Sa buong panahong inilakad+ ko sa buong Israel, nagsalita ba ako ng isa mang salita sa isa sa mga hukom ng Israel na inutusan kong magpastol sa aking bayan, na nagsasabi, ‘Bakit hindi ninyo ako ipinagtatayo ng bahay na yari sa mga sedro?’ ” ’+
7 “At ngayon ay ito ang sasabihin mo sa aking lingkod na si David, ‘Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: “Ako mismo ang kumuha sa iyo mula sa pastulan mula sa pagsunod sa kawan+ upang maging isang lider+ sa aking bayang Israel.
8 At ako ay sasaiyo saan ka man lalakad,+ at lilipulin ko ang lahat ng iyong mga kaaway+ mula sa harap mo, at igagawa nga kita ng isang pangalan+ na gaya ng pangalan ng mga dakila na nasa ibabaw ng lupa.+
9 At magtatakda nga ako ng isang dako para sa aking bayang Israel at itatatag ko sila,+ at sila ay talagang tatahan sa kinaroroonan nila at hindi na sila magagambala pa; at hindi na sila muling panghihinain pa ng mga anak ng kalikuan,+ gaya ng ginawa nila noong una,+
10 mula pa nga noong mga araw na mag-atas ako ng mga hukom+ upang mamahala sa aking bayang Israel. At pagpapakumbabain ko nga ang lahat ng iyong mga kaaway.+ At sinasabi ko sa iyo, ‘Ipagtatayo ka rin ni Jehova ng isang bahay.’+
11 “ ‘ “At mangyayari nga na kapag nalubos na ang iyong mga araw na yayaon ka upang makasama ng iyong mga ninuno,+ ibabangon ko nga ang iyong binhi na kasunod mo na magiging isa sa iyong mga anak,+ at itatatag ko nga nang matibay ang kaniyang paghahari.+
12 Siya ang magtatayo ng isang bahay para sa akin,+ at itatatag ko nga nang matibay ang kaniyang trono hanggang sa panahong walang takda.+
13 Ako ang magiging kaniyang ama,+ at siya ang magiging aking anak;+ at ang aking maibiging-kabaitan ay hindi ko aalisin sa kaniya+ na gaya ng pag-aalis ko niyaon sa isa na nauna sa iyo.+
14 At itatayo ko siya sa aking bahay+ at sa aking paghahari+ hanggang sa panahong walang takda, at ang kaniyang trono+ ay magiging isa na mamamalagi hanggang sa panahong walang takda.” ’ ”
15 Ayon sa lahat ng mga salitang ito at ayon sa buong pangitaing ito ang sinalita ni Natan kay David.+
16 Pagkatapos ay pumasok si Haring David at umupo sa harap ni Jehova+ at nagsabi: “Sino ako,+ O Diyos na Jehova, at ano ang aking sambahayan+ anupat dinala mo ako hanggang dito?+
17 Waring ito ay isang maliit na bagay sa iyong paningin,+ O Diyos,+ gayunma’y nagsasalita ka may kinalaman sa sambahayan ng iyong lingkod hanggang sa malayong panahon sa hinaharap,+ at ikaw ay tumingin sa akin ayon sa pagkakataon ng taong tumataas ang katayuan,+ O Diyos na Jehova.
18 Ano pa ang masasabi ni David sa iyo tungkol sa pagpaparangal sa iyong lingkod,+ gayong kilala mong lubos ang iyong lingkod?+
19 O Jehova, alang-alang sa iyong lingkod at kaayon ng iyong sariling puso+ ay ginawa mo ang lahat ng dakilang bagay na ito sa pamamagitan ng paghahayag ng lahat ng dakilang gawa.+
20 O Jehova, walang sinuman ang katulad mo,+ at walang Diyos maliban sa iyo+ may kaugnayan sa lahat ng narinig namin ng aming pandinig.
21 At ano pang ibang bansa sa lupa ang katulad ng iyong bayang Israel,+ na tinubos ng tunay na Diyos para sa kaniyang sarili bilang isang bayan,+ upang magtalaga para sa iyong sarili ng isang pangalan na may mga dakilang gawa+ at kakila-kilabot na mga bagay sa pamamagitan ng pagpapalayas sa mga bansa+ mula sa harap ng iyong bayan na tinubos mo mula sa Ehipto?
22 At ang iyong bayang Israel ay ginawa mong iyong bayan+ hanggang sa panahong walang takda, at ikaw, O Jehova, ang naging kanilang Diyos.+
23 At ngayon, O Jehova, ang salita na sinalita mo may kinalaman sa iyong lingkod at may kinalaman sa kaniyang sambahayan ay maging tapat nawa hanggang sa panahong walang takda, at gawin mo ang gaya ng iyong sinalita.
24 At ang iyong pangalan+ nawa ay maging tapat at maging dakila+ hanggang sa panahong walang takda, na nagsasabi, ‘Si Jehova ng mga hukbo,+ na Diyos ng Israel,+ ay Diyos sa Israel,’+ at ang sambahayan nawa ni David na iyong lingkod ay mamalagi sa harap mo.+
25 Sapagkat ikaw mismo, Diyos ko, ang nagsiwalat sa iyong lingkod ng layuning ipagtayo siya ng isang bahay.+ Kaya naman ang iyong lingkod ay nakasumpong ng dahilan upang manalangin sa harap mo.
26 At ngayon, O Jehova, ikaw ang tunay na Diyos,+ at ipinangangako mo ang kabutihang ito may kinalaman sa iyong lingkod.+
27 At ngayon ay akuin mo sa iyong sarili at pagpalain mo ang sambahayan ng iyong lingkod upang manatili ito hanggang sa panahong walang takda sa harap mo;+ sapagkat ikaw mismo, O Jehova, ang nagpala, at iyon nga ay pinagpapala hanggang sa panahong walang takda.”+