1 Cronica 20:1-8
20 At nangyari nga sa panahon ng pag-ikot ng taon,+ sa panahon ng paglabas ng mga hari sa pakikipagbaka,+ na pinangunahan ni Joab ang puwersang pandigma ng hukbo+ at winasak ang lupain ng mga anak ni Ammon at pumaroon at kinubkob ang Raba,+ samantalang si David ay tumatahan sa Jerusalem; at sinaktan ni Joab+ ang Raba at giniba iyon.
2 Ngunit kinuha ni David ang korona ni Malcam mula sa ulo nito,+ at nasumpungan niyang ang bigat niyaon ay isang talento na ginto, at iyon ay may mahahalagang bato; at iyon ay napasaulo ni David. At ang samsam sa lunsod na inilabas niya ay napakarami.+
3 At ang bayan na naroon ay inilabas niya, at pinagtrabaho+ niya sila sa paglalagari ng mga bato at sa matatalas na kasangkapang bakal at sa mga palakol;+ at gayon ang ginawa ni David sa lahat ng lunsod ng mga anak ni Ammon. Nang dakong huli ay bumalik si David at ang buong bayan sa Jerusalem.
4 At nangyari nga na pagkatapos nito ay nagsimulang sumiklab ang digmaan sa Gezer+ laban sa mga Filisteo.+ Noon pinabagsak ni Sibecai+ na Husatita si Sipai na mula sa mga ipinanganak sa mga Repaim,+ anupat sila ay nasupil.
5 At muling nagkaroon ng digmaan laban sa mga Filisteo; at pinabagsak ni Elhanan+ na anak ni Jair si Lami na kapatid ni Goliat+ na Giteo, na ang tagdan ng kaniyang sibat ay gaya ng biga ng mga manggagawa sa habihan.+
6 At muling nagkaroon ng digmaan sa Gat,+ nang may isang lalaki na pambihira ang laki+ na ang mga daliri sa kamay at paa ay animan, dalawampu’t apat;+ at siya rin ay ipinanganak sa mga Repaim.+
7 At palagi niyang tinutuya+ ang Israel. Nang dakong huli ay pinabagsak siya ni Jonatan na anak ni Simea+ na kapatid ni David.
8 Ito ang mga ipinanganak sa mga Repaim+ sa Gat;+ at sila ay nabuwal+ sa pamamagitan ng kamay ni David at ng kamay ng kaniyang mga lingkod.