Pumunta sa nilalaman

Impormasyon Para sa mga Opisyal ng Gobyerno

Ang seksiyong ito ay naglalaman ng opisyal na impormasyon tungkol sa mga Saksi ni Jehova para sa mga opisyal ng gobyerno.

Mga Legal Office

Contact information ng mga legal office namin.

Articles

2018-11-27

RUSSIA

Mas Maraming Saksi, Ibinilanggo sa Russia Pagkatapos ng Agresibong Raid sa mga Bahay

Pinatindi ng mga awtoridad sa Russia ang kampanya ng pananakot sa mga Saksi. Inaresto sila at ikinulong ng mga awtoridad dahil sa pananampalataya.

2018-06-14

RUSSIA

Isa Pang Saksi ni Jehova ang Nililitis sa Russia Salig sa Paratang na Ekstremistang Gawain

Si Arkadya Akopyan, isang 70-anyos na retiradong mananahi at isang Saksi ni Jehova, ay inosente, masunurin sa batas, at gusto lang sambahin ang Diyos nang mapayapa.

2018-06-07

RUSSIA

Dininig ng Oryol Court ang Unang Testimonyo sa Paglilitis kay Dennis Christensen

Si Dennis Christensen ay ikinulong mula noong Mayo 2017 bago pa man litisin. Maaari siyang makulong nang 6 hanggang 10 taon dahil lang sa pagsasagawa ng kaniyang pananampalataya.

2018-06-14

ERITREA

Dalawang May-edad Na Saksi—Namatay sa Bilangguan sa Eritrea

Sina Habtemichael Tesfamariam at Habtemichael Mekonen ay namatay sa Mai Serwa Prison maaga noong 2018. Ang dalawa ay di-makatarungang ibinilanggo dahil sa kanilang pananampalataya at nagdusa sa loob halos ng isang dekada ng di-makataong mga kalagayan sa bilangguan at pagmamaltrato.

2018-06-14

KAZAKHSTAN

Teymur Akhmedov—Pinalaya sa Pamamagitan ng Presidential Pardon

Pinawalang-sala ni President Nursultan Nazarbayev ng Kazakhstan si Teymur Akhmedov, na nakulong nang mahigit isang taon dahil sa pagbabahagi sa iba ng kaniyang relihiyosong paniniwala. Dahil sa pardon, binura ang kaniyang criminal record.

2018-06-14

TURKMENISTAN

Hindi Kinikilala ng Turkmenistan ang Karapatang Magpasiya Ayon sa Budhi

Dalawang Saksi ni Jehova ang sinentensiyahang mabilanggo nang isang taon dahil ayaw nilang magsundalo. Hindi pa rin kinikilala ng gobyerno ang karapatang magpasiya ayon sa budhi, at hindi ito nag-aalok ng alternatibong serbisyo para sa mga ayaw magsundalo.