Tagalog
Mga Saksi ni Jehova na Nakabilanggo Dahil sa Kanilang Pananampalataya—Ayon sa Lokasyon
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/1014757/univ/art/1014757_univ_sqr_xl.jpg

BALITA SA BUONG DAIGDIG

Nakakulong si Jin-seong Lee sa South Korea mula pa noong Hunyo 2025

Mga Saksi ni Jehova na Nakabilanggo Dahil sa Kanilang Pananampalataya—Ayon sa Lokasyon

Mga Saksi ni Jehova na Nakabilanggo Dahil sa Kanilang Pananampalataya—Ayon sa Lokasyon

Mahigit 276 na Saksi ni Jehova sa buong mundo ang nakabilanggo dahil sa kanilang pananampalataya—Mayo 2026.

Ginagarantiyahan ng Article 18 ng International Covenant on Civil and Political Rights ang karapatan sa kalayaan ng pag-iisip, konsensiya, at relihiyon. Pero sa ilang bansa, ipinagkakait sa mga Saksi ni Jehova ang karapatang ito. Ibinibilanggo sila at pinagmamalupitan dahil sa kanilang gawain na may kaugnayan sa pagsamba at sa pagtanggi nilang magsundalo udyok ng konsensiya.

“Lagi ninyong alalahanin ang mga nasa bilangguan, na para bang nakabilanggo kayong kasama nila.”​—Hebreo 13:3.