Oseas 6:1-11

  • Panawagan para manumbalik kay Jehova (1-3)

  • Ang tapat na pag-ibig ng bayan na madaling maglaho (4-6)

    • Tapat na pag-ibig, nakahihigit sa hain (6)

  • Ang masamang ginagawa ng bayan (7-11)

6  “Halikayo, at manumbalik tayo kay Jehova,Dahil niluray niya tayo,+ pero pagagalingin niya tayo. Sinaktan niya tayo, pero bebendahan niya ang mga sugat natin.   Palalakasin niya tayo pagkaraan ng dalawang araw. Ibabangon niya tayo sa ikatlong araw,At mabubuhay tayo sa harap niya.   Makikilala natin si Jehova; pagsisikapan nating makilala siya. Tiyak ang paglapit niya sa atin, gaya ng pagsikat ng araw sa umaga;Lalapit siya sa atin na gaya ng bumubuhos na ulan,Gaya ng ulan sa tagsibol na dumidilig sa lupa.”   “Ano ang dapat kong gawin sa iyo, Efraim? Ano ang dapat kong gawin sa iyo, Juda? Dahil ang tapat na pag-ibig mo ay parang ulap sa umaga,Parang hamog na madaling naglalaho.   Kaya naman pababagsakin ko sila sa pamamagitan ng mga propeta;+Papatayin ko sila sa pamamagitan ng mga pananalita ng bibig ko.+ At ang mga hatol sa iyo ay sisinag na gaya ng liwanag.+   Dahil tapat na pag-ibig* ang gusto ko at hindi hain,At kaalaman sa Diyos, sa halip na mga buong handog na sinusunog.+   Pero sumira sila sa tipan, gaya ng karaniwang tao.+ Pinagtaksilan nila ako sa lupain nila.   Ang Gilead ay bayan ng masasama,+At dumadanak dito ang dugo.+   Ang grupo ng mga saserdote ay gaya ng grupo ng mga mandarambong na nag-aabang sa isang tao. Pumapatay sila sa lansangan sa Sikem,+Dahil masama talaga ang ginagawa nila. 10  May nakita akong kakila-kilabot na bagay sa sambahayan ng Israel. Doon ay nakikiapid* ang Efraim;+Nagpakarumi ang Israel.+ 11  At isang pag-aani ang itinakda para sa iyo, O Juda,Kapag tinipon kong muli ang mga nabihag sa aking bayan.”+

Talababa

O “Dahil awa.”
O “naging babaeng bayaran.”