Oseas 14:1-9

  • Pakiusap na manumbalik kay Jehova (1-3)

    • Paghahandog ng papuri ng labi (2)

  • Pagagalingin ang Israel at hindi na magtataksil (4-9)

14  “Manumbalik ka kay Jehova na iyong Diyos, O Israel,+Dahil natisod ka ng kasalanan mo.   Manumbalik kayo kay Jehova,At sabihin ninyo sa kaniya, ‘Patawarin mo nawa ang kasalanan namin+ at tanggapin ang mabuti,At ihahandog namin ang papuri ng aming labi+ na gaya ng mga batang toro.*   Hindi kami ililigtas ng Asirya.+ Hindi kami sasakay sa mga kabayo,+At hindi na namin sasabihin sa gawa ng mga kamay namin, “O aming Diyos!”Dahil ikaw ang nagpapakita ng awa sa batang walang ama.’+   Pagagalingin ko sila, at hindi na sila magiging taksil.+ Mamahalin ko sila nang buong puso,*+Dahil wala na ang galit ko sa kanila.+   Magiging gaya ako ng hamog sa Israel;Mamumulaklak siyang gaya ng liryo,At palalalimin niya ang mga ugat niya na gaya ng sa mga puno ng Lebanon.   Magiging mayabong siya,At magiging kasingganda siya ng punong oliboAt kasimbango ng Lebanon.   Maninirahan ulit sila sa lilim niya. Magpapatubo sila ng butil, at mamumulaklak silang gaya ng punong ubas.+ Ang katanyagan niya* ay magiging gaya ng alak ng Lebanon.   Sasabihin ng Efraim, ‘Ano pa ba ang kinalaman ko sa mga idolo?’+ Sasagot ako at babantayan ko siya.+ Magiging gaya ako ng mayabong na puno ng enebro. Ako ang magbibigay sa iyo ng bunga.”   Sino ang marunong? Unawain niya ang mga bagay na ito. Sino ang matalino? Alamin niya ang mga ito. Dahil matuwid ang daan ni Jehova,+At lalakad doon ang mga matuwid;Pero matitisod doon ang mga masuwayin.

Talababa

Lit., “ihahandog namin bilang ganti ang mga guyang toro ng aming labi.”
O “nang bukal sa loob.”
Lit., “Ang alaala sa kaniya.”